Maaliwalas ang gabing iyon, kitang-kita ang mga bituin sa kalangitan dahil wala masyadong ulap, gayon din ang buwan na nagsisilbing liwanag sa madilim na gabi. Mabilis lang ang naging byahe namin ni Patricia patungo sa aming bahay. Maluwag kasi ang mga kalsada kaya naman mabilis ang naging pagpapatakbo ni Pat sa kaniyang kotse. Nang makarating sa tapat ng aming bahay ay sabay kaming bumaba sa kaniyang kotse dala-dala ang mga pagkaing nadaanan namin kanina sa may simbahan. Bumili kami ng puto bongbong at bibingka dahil nagugutom na kami. Ang natira namin ay inuwi namin sa bahay upang ipasalubong kina Mama Gina at Yna. Agad namang sumalubong sa amin si Yna nang marinig niya ang kotse na dumating. Sakto naman ay nakababa na kami at malapit na sa pinto nang lumabas siya kaya agad siyang yu

