Bago pa lang magsimula ang araw na iyon ay naghanda na at nagsulat na ako ng tula para ibigay kay Patricia kapag nagkita na muli kami. Ayon na nga ang ibinigay kong yellow paper na naglalaman ng tula kong sinulat para sa kaniya. Nakasulat doon kung gaano ko siya kagusto makasama sa panghabangbuhay. Ngayon na lang ulit ako nagbigay ng sulat kong tula kay Pat simula noong nagbreak kami. Tuwing monthsary kasi namin ay lagi ko siyang binibigyan nito matapos ang buong araw na magkasama kami. Halimbawa na lang nitong tulang ito na binigay ko sa kaniya noong first anniversary. Mayroon sa’tin, iba ang kuwento sa waiting shed. Hindi ‘yung tipikal na senaryo kapag may pupuntahan tayong lugar at kailangang maghintay ng masasakyan. Hindi ‘yung kuwento sa mga pelikula kung saan nagtatagpo ang mga

