Nakatulog akong may ngiti sa aking labi dahil sa mga nangyari noong araw na iyon. Hindi ko akalain na ang bilis tuparin ng nasa itaas ang aking mga dalangin sa kaniya. Kaya naman buo na ang aking pagpapasya na hindi na muli, hindi na muli kami magkakahiwalay at magkakalayo ng landas. Sabay namin haharapin ang mga pagsubok na dadating, nang walang pag-aalinlangan. Mas matapang ako ngayon at tiwala. Marami man nangyaring nakadurog sa akin pero sa lahat ng iyon ay may napulot akong mga aral na dadalahin ko hanggang sa pagtanda. Kung dati ay natalo ako sa laro ng pag-ibig, ngayon ay sinisigurado kong pagkakataon ko na, ako naman ang magiging masaya dahil sa panahong ito- panahon ko na. "Nak... Dos!" Tawag ng aking nanay sa labas ng pinto. "Ano po 'yon ma?" Agad kong tugon. Nagkukusot pa

