Nang makaakyat kami sa 4th floor, agad na kaming pumasok sa classroom para doon nalang magkwentuhan. Wala pang ilang minuto ay may pumasok sa room namin...
"Goodmorning class!" Bati nito sa amin.
Nagulat lahat ng kaklase ko pati kaming tatlo nila Von at Aldrin. Akala namin ay walang professor na papasok sa klase namin, pero nagkakamali kami. Nagbalikwasan lahat at bumalik sa kanilang mga upuan.
"Goodmorning din po, Ma'am," bati namin lahat.
"Ako nga pala si Ms. Loseñada. Just call me, Ms. L," sambit nito sa amin.
She is Ms. Laine Loseñada, sa unang tingin ay parang kaedadan lang namin siya. Maliit kasi ito at petite lang ang pangangatawan. Maganda si Ms. L, mahaba ang buhok at ang calm ng voice.
"Pare, nasa langit na ba ako? May nakikita kasi akong anghel," sambit ni Aldrin na nakatulala pa rin sa ganda ni Ms. L.
"So, today is my first day na magtuturo sa college, kaya sana ay maging masaya ang ating buong taon," wika ni Ms. L sa harapan.
"Ma'am, sa'yo pa lang, masaya na ako!" Sigaw ng kaklase kong lalaki na nasa likuran din.
Napatawa na lang si Ms. L sa sinigaw niya.
"Tse!" Tugon ni Ma'am Loseñada. "By the way, we will introduce ourselves in front. Tapos na ako, so kayo naman. State your Name, Address, Age and Motto in life," paliwanag nito.
Alphabetical order ang naging pagpapakilala sa harapan, kaya naman nauna na ang mga kaklase kong nag-uumpisa ang last name sa letter A.
"Okay, what's your name?" Tanong ni Ms. L sa kaklase namin.
Nahihiya pa 'tong pumunta sa harapan pero napilit din.
"A-ako p-po si Mason Abelinde, 21 years old, nakatira sa Bulacan at naniniwala po ako sa kasabihang, walang taong nabubuhay mag-isa. Ayon lang po," mabilis nitong balik sa kinauupuan niya.
"Thank you, Mr. Abelinde. Next tayo," sambit ni Ms. L.
"Hi guys! Ako si Jericka Aziz, 20 years old at nakatira sa may Sta. Mesa. Naniniwala po ako sa kasabihang, "Beauty is in the eye of the tiger."," tawanan ng mga kaklase ko.
"Ang galing! Havey ka, Ms. Aziz. Next," natatawang sabi ni Ms. L.
"Goodmorning, mahal ay este Ms. L pala," bungad ng kaklase kong tarantado. "Ako nga pala si Dominic Bobis, 21 years old at nakatira sa Cainta. Naniniwala ako sa kasabihang, "Every mistake can teach you how to dougie."," tawa niya sa pinaggagawa niya sa harapan.
Ansakit na ng tiyan namin kakatawa at nag-uumpisa pa lang. Mga pauso kasi ang mga nauna kaya nag-isip na rin kami nina Aldrin at Von ng malakasang quotes in life.
"How to dougie ha," natatawang sambit ni Ms. L. "Next tayo," turo nito sa kasunod.
"Hi, ako nga pala si Cymon Basco, 21 years old na nakatira sa bahay," sambit niya kaya tawang-tawa kami. "At naniniwala po ako sa kasabihang, "If things gets worst, drink redhorse.", ayon lang po," agad nitong upo sa upuan niya na tawa nang tawa.
Ansakit na ng tiyan namin kakatawa sa likod. Si Von naman ay nagko-concentrate, nag-iisip ng motto in life na witty.
"Ang se-sense of humor nin'yo ha, next," sambit ni Ms. L.
"Ako si Carlo, gumagamit ng bato. At, oo adik ako, adik sa'yo," sambit ni Carlo kay Ms. L. Tawang-tawa kami sa pinagsasabi niya. Siya kasi ang joker ng section namin.
"Yieeew," sigaw ng mga kaklase ko.
Umupo na agad ito. Ayon na pala 'yung pagpapakilala niya. Kaya naman tawang-tawa kami.
"Ayon na 'yon, Carlo? Okay, next," natatawang sambit ni Ma'am.
Ako na pala ang susunod, kaya naman tumayo na ako sa upuan namin sa likod at naglakad papuntang harapan.
"Ako po si Mark Cruz Jr. o 'di kaya Dos. 20 years old. Fresh na fresh, mas virgin pa sa coconut oil," sambit ko kaya naman nagsigawang ang lahat ng "Wee?".
"Nakatira malapit sa Sta. Mesa. Hilig ko pong manuod ng O Shopping sa TV namin. Idol ko pong action star ay si Kuya Boy Abunda, ang galing niya po kasi mag-interview. Bata pa lang po ako, kapamilya na po ako. Naniniwala po ako sa kasabihang, "Kapag binato ka ng bato, singhutin mo," and I thank you," at vow ko matapos ang mahaba kong kwento.
Lahat ay nagtawanan pati si Ms. L ay parang mamamatay na kakatawa sa pinagsasabi kong walang kakwenta-kwenta.
Pag-upo ko ay dinaldal kp na 'yung dalawang kolokoy na pinapraktis ang sasabihin nila sa harapan.
Patuloy ko 'tong kinakalabit hanggang maasar silang dalawa.
"H'wag ka magulo!" Sigaw ni Aldrin na asar na asar na.
Pinagtatawanan ko lang sila dahil ayaw nila magpa-istorbo. Nanahimik nalang ako nakinig sa mga kaklase kong nagsasalita sa may harapan.
Si Shyr na pala ang na sa harapan at magpapakilala.
"Hi po, I'm Shyr Elise Cruz. Ako po ay 19 years old, nakatira sa Taguig. Naniniwala po ako sa kasabihang, "Mas makulay ang buhay kung makakasama mo ako habang buhay."," sabay kindat nito na nakangisi.
"Nice, nice. Okay, next na," sambit ni Ms. L na nakangiti.
Mabuti nalang talaga at hindi masungit si Ms. L, dahil kung hindi ay nayari na kami sa mga kalokohan namin.
"Ikaw na," turo ni Ms. L kay Aldrin na nagkakabisado pa.
Mabagal itong naglakad papunta sa harapan, nagkukunwari pang nahihiya pero ang tunay ay walang hiya- literal.
"Ako si Aldrin Timbal na nakatira sa may Sta. Mesa. Ako ay 20 years old. Naniniwala po ako sa kasabihan na, "I learned a lot from my mistake, so i decided to make a lot of mistake to learn more" and I thank you," sambit ni Aldrin.
"Ang tataba ng utak niyo sa caloocan," sigaw ni Carlo.
Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Carlo. Ansakit na rin ng tiyan ko kakatawa dahil puro kalokohan ang pinagsasabi nila sa harapan. Laughtrip kami sa likod. Nagsisigawan pa kapag natapos ang isa magpakilala.
"Quiet, next na!" Pagtigil ni Ms. L sa malakas naming hiyawan dahil baka maakyat kami ng dean. "Okay, you," sabay turo kay Von.
Dali-daling pumunta si Von para pumunta sa harapan at ipakilala ang sarili niya.
"Go, Von! Anakan mo ako batik!" Sigaw ni Aldrin kaya nagsitawanan ang mga kaklase namin.
"Ako po si Von Maverick Binasoy. Nice to meet you po. Bago lang po ako dito sa classroom niyo," sambit ni Von.
"Mas luma ka pa sa luma!" Sigaw ni Carlo.
Kaya naman nagtawanan na naman ang klase namin.
"Shh," at tuloy nito sa pagpapakilala ng sarili niya. "Ako po ay 20 years old, batang-bata. Nakatira d'yan at naniniwala po ako sa kasabihang, "Ang pait ng buhay, wala bang chaser?"," sigaw kami sa likod pagtapos niya magsalita.
Nang matapos ang lahat magpakilala, nagbigay lang si Ms. Loseñada ng mga paalala about sa rules sa room at nagpaalam na ito.
"Ayon lang sa araw na ito, thank you guys!" Alis ni Ma'am. Loseñada.
Siya na ang last subject namin no'n kaya naman no'ng una ay nainis kami dahil bakit pa siya magtuturo e first day of school pa lang.
Ngunit sa nangyari ang lahat ay nagbago ang tingin sa kaniya, sobrang bait niya at sabi niya pa na magsabi lang kami kung nahihirapan kami sa subject niya dahil maconsiderate siyang teacher, ang ganda pa.
Nang makaalis si Ms. Loseñada ay kinuha na agad ang bag namin ni Aldrin at dali-daling bumaba sa garden.
Pagkababa namin ay nakita ko si Pat kasama ang mga friend niya, pupunta ata sila sa tent nila para mag-ayos.
"Pat!" Lapit ko dito habang tinatawag siya. "Saan kayo pupunta?" Hinihingal kong tanong.
"Sa may tent ng club namin, ikakabit 'tong mga 'to," turo sa box na bitbit nila.
"Ako na, hatid na namin kayo ni Aldrin," kuha ko ng box at abot sa akin.
"Bakit naman ako nadamay pare?" Natatawa nalang ako sa kaniya at patuloy na abot ng box.
Natawa nalang din ang mga kasama ni Pat sa amin ni Aldrin. Ang kulit daw namin.
"Saan ba nakapwesto 'yung tent niyo?" Tanong ko kay Pat habang naglalakad kami.
"Dito oh," turo ni Pat sa may mapa ng field.
"Ah sa may dulo, katabi na ng stage," sambit ko.
"Ang layo naman ng pwesto ng club niyo?" Sambit ni Aldrin.
"Oo nga e, baka hindi na kami mapuntahan ng mga freshman," tugon ni Jaz.
Nasa Singers Club kasi si Jaz pati si Pat. Alam kong makukuha siya dito kasi maganda ang boses niya. Nadiskubre ko 'yon nang kantahan niya ako sa messenger.
"Oo nga pala, mahal. Bakit dalawa lang kayo ni Aldrin magkasama, nasaan si Von?" Tanong ni Pat sa akin.
"Ay magpeperform ata sila mamaya sa stage. Kasama ata mga kabanda niya, nagpapraktis," tugon ko.
"Ah gano'n ba? Nood tayo mamaya," aya sa akin ni Pat.
"Oo naman. Kita nalang tayo later," sambit ko at baba ng box sa tapat ng tent nila.
"Thank you sa pagbuhat, bye na!" Sambit ni Pat.
"Okay, later nalang kita tayo," kaway ko palayo.
Naglakad na agad kami papuntang garden, mukhang kanina pa sila doon naghihintay sa amin ni Aldrin.
Nang makarating kami doon ay nailabas na nila ang mga gagamitin namin pero hindi pa nailalagay sa may tent.
"And'yan na pala sila Aldrin e," sambit ng isa naming kagrupo.
"Oy, tara na. Sorry late kami," dampot ko ng box sa lapag.
"Ayos lang 'yon, pres. Atleast dumating kayo," sambit ni Carla.
"Tara na," aya sa amin ni Amy.
Naglakad na kami papunta sa tent namin, mabilis lang kami nakarating dahil bungad lang ito ng field at harapan lang ng garden.
Nang makarating kami sa tent namin ay inasikaso na namin ang lahat ng gagamitin namin. Nagbigay na rin ako ng mga gawain sa kanila para marami ang maenganyo sumali sa club namin.
May taong magbibigay ng flyers, may sasalubong sa mga papasok pa lang ng field at nagdikit na kami ng map namin kung nasaan kami banda sa field sa buong campus.
Naayos na namin lahat ng gagamitin namin sa tent, nakapwesto na rin ang mga taong inassign ko sa bawat pwesto, ang mga freshman nalang talaga ang hinihintay namin.
Ako naman ay nasa front desk, para ako agad ang makakausap nila at maaaya ko silang sumali sa club namin. Nang biglang may estudyante sa harap ko. Agad akong nagtaka dahil hindi pa labasan ng mga freshman.
Si Shyr pala, ano ang ginagawa niya dito?
"Hi, Dos!" Bati nito sa akin.
"Oy, Shyr! Anong ginagawa mo dito? Maglalabasan na ang mga freshman ah?" Sambit ko.
"Ay mag-aapply sana ako sa club niyo," tugon nito.
"Talaga?" Nagulat 'kong tanong kay Shyr.
Magaling kasi magsulat din si Shyr at magperform ng spoken-word sa stage, talagang malaking ambag siya sa club namin.
"Ayaw mo ba?" Tanong nito na nakapout pa.
"Gusto, syempre. Malaki ang maitutulong at maiaambag mo sa club namin," wika ko. "Dito ka magsagot," sabay bigay ko ng form of application sa kaniya.
Mabilis niyang nafill-upan ang application form at hinulog sa box namin. Nang matapos niyang mahulog ang application form ay agad na itong nagpaalam sa akin.
"Ayan, okay na. Dito na ako, Dos. Kita-kits nalang mamaya sa tugtugan," kumakaway nitong alis.
"Osige, salamat sa pagjoin!" Sigaw ko sa malayo.
Itutuloy...