Matapos ang araw na 'yon ay ilang oras din ako tinalakan ni Mama Gina. Nakalimutan ko kasi siyang i-update kung nasaan na ako, pero ayos lang dahil maraming nangyari na pumapabor sa pag-iibigan namin ni Patricia.
Walang duda na masaya ang naging summer ko. Linggo-linggo kasi kami nagkikita ni Pat para magkaroon ng quality time.
Dumating ang araw ng pasukan. First day of school na naman, ang bilis ng panahon parang kahapon lang ang mga nangyari. Isang taon na kaming magkakilala ni Pat at ilang buwan na kaming in relationship.
Bago sumapit ang araw na 'yon ay kausap ko sa video call si Pat. Lagi naman ganito ang gawain namin kapag sumapit na ang gabi at wala nang gagawin.
"Mahal, kumusta? Ready kana ba tomorrow?" Tanong ko habang nakasandal sa may kama.
"Yes, Mahal. Kahapon namili na kami ng mga gagamitin sa school. Mga supplies tsaka bag na rin. Ikaw ba?" Tugon ni Pat.
"Oo, namili na rin kami ng gamit namin ni Yna. Nabilihan na rin siya ng bag, kumpleto na ang kailangan niya," sambit ko naman.
Grade 10 student na kasi si Yna sa darating na pasukan. Kaya naman binilihan na siya ng mga gamit na kakailanganin niya para sa school.
"Nabilis ka ba ng bag?" Tanong ni Patricia.
"Ay hindi. Maayos pa 'yung bag ko last year, ang tibay kaya no'n. Atsaka kaunti pa lang naman 'yung mga sira, hindi pa pansin. Sayang naman kung itatapon ko na," paliwanag ko. "Atsaka baka hindi na makabili ng bag si Yna kung magpapabili pa ako," dagdag ko pa.
"Aww. Ang sweet naman ng kuya na 'yan. Bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Wika ni Pat.
"No need naman na, Mahal. Maayos pa 'yung bag ko, aabot pa 'yon sa graduation," tawa ko.
"Basta, magsabi ka lang sa akin kapag need mo ng pera, papahiramin kita. Para saan pang girlfriend mo ako?" Sambit ni Patricia na nakapout pa.
"Osige, kapag nangailangan talaga ako nang sobra, ikaw agad ang lalapitan ko," sang-ayon ko.
Ilang oras na rin kaming magkatawagan. Ganito lagi ang sistema namin ni Pat tuwing gabi. Minsan inaabot kami ng alas dos ng madaling araw nang magkausap lang. Minsan kapag naubusan na kami ng kwento ay nanunuod nalang kami ng movie together.
"Mahal, anong oras na. Tulog na tayo," aya sa akin ni Pat na humihikab pa.
"Matulog kana, magpapa-antok pa ako," tugon ko.
"Okay, goodnight. I love you!" Sambit ni Pat.
"Goodnight din, Mahal. I love you too!" Tugon ko.
In-end na ni Pat ang video call namin at natulog na. Ala una y media na rin kasi at parehong pang-umaga pa ang mga klase namin.
Ilang oras pa ako nagscroll sa f*******: para tumingin ng mga funny vines at memes. Inabot ako nang alas tres bago ako makatulog. Hindi na ako nag-alarm dahil malakas ang loob ko na kaya ko gumising nang alas singko.
June 12, 2017
Dumating na ang araw na hinihintay ng lahat ng estudyante, ang first day of school.
Nag-alarm na ang phone ko at dali-dali na akong pumasok sa school. Ang aga ko pa dahil madilim pa ang langit at wala pang mga estdudyante ang nasa school, kaunti pa lang.
Nakita ko sina Von at Aldrin na nandoon na rin sa classroom, naghaharutan. Nakisali na rin ako sa kanila at nakipag-asaran na rin.
"Tara, breaktime na tayo," aya ni Aldrin.
"Tara, nagugutom na rin ako," sang-ayon naman ni Von.
Sumama nalang ako nang pababa na sila sa hagdan at patungo sa may cafeteria. Iba na pala ang building namin, nasa likod na kami ng faculty.
Nang makababa kami at makabili ng pagkain ay nagtaka na ako. Wala pang mga estudyante ang nasa cafeteria at patay pa rin ang mga ilaw nito.
Napagtanto ko na kakapasok pa lang namin sa school, bakit kami agad nasa cafeteria at kumakain. Agad akong bumalikwas sa kama, nasa mundo ps pala ako ng panaginip. Hindi pala ako magset ng alarm.
Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Alas syete na at puro missed calls ang notification bar ko.
Tumakbo na agad ako sa banyo bitbit ang aking mga gamit. Nakalimutan ko rin pala na bilinan si Mama Gina na gisingin ako para pumasok. Mabilis akong naligo at nagbihis. Hindi na ako kumain at agad na bumyahe papasok sa school.
Ngayong araw pala ang pagpili ng mga freshies ng kanilang mga club na gustong salihan at wala pa ako sa club room namin para magmeeting. Mabuti nalang ay nabilinan ko si Amy na magpatawag ng meeting para sa gagawin mamayang hapon.
Mabilis na akong nagchat kina Von at Aldrin kung nasaan ang classroom namin. Hindi ko kasi alam kung saan eksakto.
Nag-open agad ako ng data para makita kung online ang dalawang kumag. At sa awa ng Diyos ay naka-online sila, mukhang wala pang professor.
Dos: Mga pre, saan 'yung room natin?
Aldrin: Oy, akala ko hindi kana papasok e. Dito sa may ACG Building, sa may harap ng cafeteria.
Habang nakikipagchat ay naglalakad na ako para makarating na agad sa room na ituturo nila. Andami kasing building sa school namin kaya maliligaw talaga ang mga bago dito.
Dos: Anong floor ba?
Aldrin: 4th floor tayo.
Von: Dalian mo na umakyat.
Dos: Bakit, may teacher na ba?
Von: Wala pa, pero dalian mo na.
Dos: Osige, on the way na ako. Andito na ako sa may garden.
Mabilis na akong naglakad papuntang building namin. Wala nang estudyante sa labas at puro teacher na lumilipat lang ng classroom ang nakikita ko.
"Dos! Andito classroom natin!" Sigaw ni Aldrin na nasa dulong room.
"Oy! Akala ko doon sa unahan, dito pala tayo," sambit ko naman.
"Tabi tayo, doon sa may likuran may bakante kang pwesto," wika naman ni Von na naglalaro pa ng rubics cube.
Agad na akong pumasok sa room at nilagay ang nga gamit ko. Masaya ako dahil walang nagdrop sa mga kaklase ko.
Bago pa ako makaupo sa upuan namin ay binati na agad ako ni Shyr.
"Goodmorning, Dos!" Bati nito sa akin na kumakaway pa.
"Oy, goodmorning din!" Tugon ko naman kay Shyr.
Agad na kaming naupong tatlo, nagkwentuhan lang kami ng mga walang kwentang bagay at nagtawanan.
Walang nagturo na professor ng umaga na 'yon. Kaya naman nakibalita na ko sa group chat namin kung anong naging plano nila.
Vice Amy: Guys, naprint na ba 'yung mga flyers?Nl
Nicole: Okay na, Vice. Andito na sa akin.
Vice Amy: Thank you, dzai.
Carla: Anong oras tayo magkikita-kita? Diba magtatayo pa tayo ng booth natin?
Nag-apply na rin pala sa club namin ang dalawang gay na kaklase ko. Si Nico at Carlo ay este Nicole at Carla.
Pres. Dos: Guys, poide ba tayo magkita bago kayo kumain sa cafeteria?
Vice Amy: Pwede naman, Pres.
Carla: Go lang, dzai.
Pres. Dos: Sige, kita-kits nalang.
Sumapit na ang oras ng recess. Nag-aya na ang dalawang kolokoy na bumaba para kumain.
"Tara na, baba na tayo. Nagugutom na ako," sambit ni Aldrin.
"Tara, hindi pa ako nag-aalmusal din e," pagsang-ayon ko.
Naglakad na kaming tatlo sa may corridor para makababa na sa cafeteria. Nagpaunahan pa ang dalawa bumaba sa hagdan, sana nga madapa.
Nakita ko agad ang nga kasama ko sa club na nasa kubo sa may garden. Nakabili na agad sila ng makakain nila, ako hindi pa.
"Pres! Dito kami!" Tawag sa akin ni Amy.
"Wait, hindi pa ako nag-aalmusal e. Mabilis lang," takbo ko at bili sa may cafeteria. "Umpisahan niyo na muna, guys!" Sambit ko pa.
Si Amy na muna ang naglead sa meeting natin habang nabili ako ng pagkain ko sa may cafeteria.
Mabilis lang ako nakabalik sa kubo, iniwan ko muna sina Aldrin at Von sa may mga jowa nila. Hindi ko pa rin nakikita si Pat kanina pang umaga.
Nagprint na pala sila ng mga gagamitin naming mga flyers para may makuha kaming mga members. Last year kasi ay kaunti lang ang nag-apply sa amin pero siguradong quality ang mga members ko.
"Hi, Guys! Ano nang napag-usapan niyo?" Pasok ko sa may kubo.
"Oy, Pres! Napag-usapan na namin kung anong gagawin strategy para makakuha tayo ng mga members na bago," sambit ni Carlo.
"Ito pala 'yung pwesto ng club natin mamaya sa field," bigay sa akin ng map ni Amy.
"Buti naman at nasa bungad tayo," sambit ko.
May ginawa kasi ang mga student council na events sa may field. Sila ang nagdesign nga lugar at talaga namang maganda.
"Sana nga may makuha tayong mga members uli," sambit ni Nicole.
"Sana nga. Anong oras tayo magse-set-up?" Tanong naman ni Amy sa akin.
"Wala na raw klase mamayang alas dos ang mga higher year, magset-up na tayo no'n dahil alas tres ang labasan ng mga freshies," sambit ko.
"May table sa may club room, magagamit natin 'yon," sambit ni Ken.
"May tent naman do'n na hinanda ang mga student council, kaya hindi gano'n kainit," wika ko pa.
"Mamaya, magkita-kita ulit tayo dito, before 2:30 para maasikaso na natin ang tent natin," sambit ni Amy.
"Noted po, Vice," sambit nina Carla at Nicole.
Nagbalikan na sila sa kani-kaniyang classroom nila, ako naman ay pinuntahan ko na ang mga kolokoy na parang nagdodouble date pa.
Si Aldrin hindi sumama sa meeting dahil inaasikaso niya pa 'yung bayarin niya sa school. Hindi pa kasi siya nabibigyan ng resibo, baka hindi maremit talaga at 'di macount na nagbayad na siya.
"Kumusta, nakakuha kana ng resibo?" Tanong ko agad paglapit ko kay Aldrin.
"Oo, pre. Mabuti nga inuna ako dahil andaming nakapila," tugon nito.
"Mamaya, sama kana sa akin para maayos na natin 'yung tent natin sa field," sambit ko.
"Sige-sige," pagsang-ayon ni Aldrin.
"By the way, Cara and Faith, may kakilala ba kayong freshman? Papuntahin niyo naman sa tent namin," wika ko sa kanila.
"Osige, Dos. May pinsan ako na mahilig sa poetry, baka gusto niya magjoin. Papupuntahin ko," tugon naman ni Cara.
"Oo, Dos. Papupuntahin ko d'yan mga kakilala kong freshman," sambit naman ni Faith.
"Asahan ko 'yan ha," tugon ko naman. "Tara na, akyat na tayo," aya ko kina Von at Aldrin.
"Babe, akyat na kami nila Dos," paalam ni Aldrin kay Cara at halik dito.
"Love, sabay kana sa amin papaakyat?" Tanong naman ni Von kay Faith.
"Hindi, kasabay ko si Cara. May bibilihin pa kami sa school supplies," sambit naman ni Faith.
"Ay gano'n ba, sige chat ka nalang mamaya," tugon ni Von.
Umakyat na agad kami sa room namin dahil nagbell na. Ibig sabihin ay tapos na ang recess at kailangan nang bumalik ang lahat sa classroom.
Itutuloy...