Nang makita kong lumabas ang nanay ni Pat ay hindi na ako nagtaka kung saan kumuha ng kagandahan si Pat. Kahit nasa 50s na ang edad ay halata mo pa rin ang ganda ni tita.
"O-opo tita," sabay mano ko dito nang makalapit ito sa amin. "Mano po," sambit ko.
"Bless you! Bakit ngayon ka lang pumunta? Palagi ka kayang kinukwento nitong bunso ko sa akin," sambit ni Mrs. Manalo.
"Ay busy po," kinakabahan kong tugon at sabay kamot sa ulo.
"Pinagmamalaki pa nga ni Pat 'yung mga binibigay mo sa kaniyang yellow paper na may sulat," kwento pa nito.
"Mom! Hindi na dapat kinukwento 'yon," sambit ni Pat na mukhang nahihiya.
"Alam mo, Dos, ganiyan din noon ang tatay sa akin nila. Kaya nga nang una kang makwento sa akin ni Pat ay botong-boto na ako sa'yo," sambit nito na kinatuwa ko.
Ang laki ng ngiti mula sa aking labi. Daig ko pa ang nanalo sa lotto sa sobrang saya ko sa narinig ko.
One down, one to go.
"Gano'n po ba, salamat po!" Nakangiti kong tugon.
"Nasaan ba ang daddy mo?" Tanong ni Mrs. Manalo kay Ate Danica.
"Dad! Hanap ka ni Mommy!" Sigaw nito sa kwarto sa itaas.
Kahit nalaman kong mabait ang nanay ni Pat ay hindi pa rin totally nawala ang kaba ko sa aking dibdib. Hindi ko pa kasi namemeet ang tatay niya at hindi ko alam kung anong ugali mayroon ito.
"Sinagot kana raw pala nito ni Pat?" Tanong ni tita sa akin.
"Opo, ang saya ko nga po. Hindi ko nga po akalain na magiging girlfriend ko po itong bunso niyo, masungit po kasi ito," paliwanag ko sa nanay ni Pat.
Nagulat nalang ako nang hampasin ako bigla ni Patricia sa may braso.
"Ouch! Nanakit agad 'to," pang-aasar ko pa.
"Ang kapal ng mukha mo. First day pa nga lang pinansin na kita. Hmpk!" Sambit nito attitude.
Habang nakikipagbiruan kay Pat ay may narinig akong yapak pababa ng hagdan.
"Ayan na pala si Daddy e," sambit ni Ate Danica.
Kanina ay nakalimutan ko na na kinakabahan ako pero nang marinig ko ang sinabi ni Ate Danica ay bigla na lang bumalik ito.
"Magandang hapon po!" Bati ko agad sa tatay ni Pat. "Mano po!" Abot ko ng kamay ni tito.
"Bless you! Akala ko gabi ka pa pupunta, wala kasing sinabing oras 'tong baby ko kung anong oras ka pupunta," lapit nito kay Pat at nilambing.
He is Mr. Alejandro Manalo tatay ni Patricia. He is the head of their business company, balita ko kay Pat na magaling itong businessman dahil napalaki niya ang iniwang business ng lolo nila na dried seaweed. Nag-iimport sila sa buong asia kaya walang duda na mayaman sila Pat.
Ngayon ay hindi pumapasok si tito sa company dahil nagkasakit ito sa sobrang pagod. Kaya naman ang asawa niya ang naghahandle ng business nila.
"Dad! Nakakahiya!" Natatawang sabi ni Pat.
"Aba nahihiya na ang baby ko, big girl na kasi. Kaya naman alagaan mo 'tong anaka ko, Dos!" Paalala ni tito kaya nakahinga ako nang maluwag.
"O-opo tito, hindi ko po sasaktang 'yang anak niyo. Mahal na mahal ko po 'yan," sambit ko.
Nagulat nalang ako sa lumabas sa aking bibig. Hindi na ako nahiya dahil nakita ko na ang mga ugali nila, at pareho naman silang mababait.
"Ayiee! Haba ng hair ni bakla!" Pang-aasar ni Ate Danica kay Pat. "Sana all!" Dagdag pa nito.
Wala pa kasi itong boyfriend. Nagulat nga ako nang ikwento 'yon sa akin ni Pat. Maganda kasi ang ate niya at aakalain mo na may boyfriend ito dahil ang lowkey ng social media nito.
"Gaga!" Nahihiya tugon ni Pat.
"Nagluto pa naman ako, Dos. Kumain kana pala," malungkot na sambit ni Mrs. Manalo.
"Sinigang po ba 'yung naaamoy ko?" Tanong ko sa nanay ni Pat.
"Oo, Sweetie," tugon nito sa tanong ko.
"Parang nagutom nga po ako. Pwede ko po bang tikman?" Wika ko at biglang nagbago ang emosyon ng nanay ni Pat.
Busog na busog pa ako sa kinain namin nila Aldrin at Von. Ngunit nakakahiya naman kung hindi ako kakain dahil ipinagluto pa pala ako ni tita ng sinigang.
Kanina ay malungkot ito ngunit ngayon ay sobrang saya na. Dali-dali itong tumayo at pumunta sa kusina para maghanda ng makakain.
"Ano pala 'yung ikukwento mo sa akin?" Bulong ko kay Patricia.
"Mamaya ko na sasabihin pagtapos natin kumain," tugon naman nito.
"Dos, Anak! Tara dito at kumain na. Tikman mo itong niluto kong sinigang, mainit pa," aya sa akin ng nanay ni Pat na nasa kusina.
"Okay po, mukhang masarap po ah. Naaamoy ko palang po, nangangasim na ako," sambit ko habang naglalakad pa lan papuntang lamesa.
Excited ako matikman ang luto ni tita dahil mukhang masarap ang luto niya. Hipon pala ang ang sinigang na luto niya buti nalang at wala akong allergy sa hipon.
"Maupo kana dito, Dos!" Sambit ng nanay ni Pat. "Sumabay kana rin dito, Honey!" Tawag ni tita kay tito.
Grabe ang haba ng lamesa nila Pat kahit na apat lang silang kumakain araw-araw dito. Andami pang mga prutas na nakapatong sa lamesa nila kaya nakakapanibago. Sa bahay kasi ay saging lang ang nakapatong sa lamesa naming maliit, bulok pa Hahaha.
Magsasandok na sana ako ng kanin sa aking plato pero pinigilan ako ni tita. Sabi niya na ang mga maid daw ang maglalagay ng kanin kaya hintayin ko nalang.
Iba pala talaga ang pamumuhay nila kaysa sa nakalakihan kong pamumuhay. May tag-iisang mangkok ng sinigang na luto ni tita.
"Salamat po!" Paglagay ng kanin sa plato ko ng maid nila.
Maraming kwento ang tatay ni Pat. Take note, hindi pa ito lasing. 'Yung iba hindi na ako makarelate kaya ngumingisi nalang ako at tumatango.
"Dos, ito seryosong usapan ha," fierce na sambit ng tatay ni Pat. "Sa mga kwentong narinig ko mulay kay Pat at Danica, ay pasado ka para sa akin," wika nito na ikinagulat ko.
"Talaga po?" Hindi 'ko makapaniwalang tugon.
"Oo. Nakilala kita ngayong araw at sa obserba ko naman ay mabait kang bata. Ang hiling ko lang ay h'wag mo papaiyakin 'tong si Pat-pat ko dahil may karamdaman siyang espesyal. Hindi siya nakakalimot. Ayaw ko namang makita 'yung anak ko na laging umiiyak at wala akong magawa," paliwanag ni tito.
"Pinapangako ko po 'yan 'to," seryoso kong tugon.
"Mabuti naman. Sa susunod ay mag-inom tayo, nag-iinom ka ba?" Aya nito sa akin.
Parang tatay ko rin pala 'to, kumikinang ang mga mata kapag alak na ang pinag-uusapan.
"Occasionally lang po, pero kapag may time po ako," sambit ko kay Tito Al.
Natapos kaming kumain at umakyat na sina Tita Vicky at Tito Al sa kwarto nila upang matulog. Si Ate Danica naman ay umakyat na rin sa kwarto niya dahil mukhang may kachat ito. Kami lang ang naiwan sa sala ni Pat.
"So, anong nangyari ba kagabi?" Tanong ko kay Patricia.
"Ito nga, nabisto na kami ni Jes," sambit nito.
"Paano?" Gulat kong tanong.
"Nakita kasi ng tatay niya na may kalandian 'tong si bakla na afam, boyfriend niya ata sa states. Dito kasi sila nagpupunta sa bahay minsan kapag gusto nila magchill, nagulat nga rin ang Mommy at Daddy nang malaman na gay si Jes. Akala nga raw nila friend lang namin. Saktong pumunta dito 'yung tatay ni Jes kumakatok, siya pa mismo ang nagbukas habang naglalampungan sila nung jowa niyang afam," paliwanag ni Pat.
"Kumusta naman si Jesrael? Anong sabi ng tatay niya?" Tanong ko.
"Ayon, no'ng una nagalit kasi bakit hindi nalang daw sinabi, matatanggap naman. Nagtampo lang siguro yung tatay ni Jes. Si bakla naman ay chinat ko no'ng nakaraan, ayos naman siya dahil tanggap daw siya ng mommy niya. I'm happy lang kasi hindi na natin kailangan maging lowkey or private sa social media, mape-flex na kita," kwento ni Pat.
"Buti naman at open minded ang mga magulang ni Jesrael, kasi kung iba 'yon baka hindi na tinanggap," tugon ko naman.
"Kaya nga e. Mabuti na rin 'yon, mas mahirap kasi magpanggap kaysa magsabi nang totoo," sambit ni Pat.
"Agree ako d'yan, Mahal," tugon ko.
"Ayon lang naman ang balita ko, gusto ko lang talaga na ibalita sayo personal. Namumutla ka kanina, Mahal," yakap sa akin ni Pat habang nakaupo kami sa sofa.
"Akala ko nga masungit sila pero hindi naman pala," tawa ko.
"Gano'n talaga 'yon si Daddy, mapagbiro 'yon pero mapagmahal. Si Mommy naman akala mo lang maldita pero super lambing, sa voice pa lang pareho kami," paliwanag pa ni Patricia.
"Kaya nga. Mahal," maikli kong sambit at yakap nang mahigpit kay Pat.
"I love you, Mahal," wika ni Pat.
"I love yout too, Mahal," tugon ko sa sinabi ni Pat.
"So, kumusta naman ang gala niya sa tagaytay?" Tanong ni Pat.
"Ayon, maganda 'yung bahay nila pero nakakatakot. Wala kasing nakatira doon, 'yung caretaker lang na dating yaya ni Von," kwento ko.
"Nag-enjoy ka naman?" Sandal ni Pat sa balikat ko habang nanunuod kami ng TV.
"Oo naman, kasama barkada e. Sayang nga hindi ka kasama," sambit ko.
"Marami pa namang next time, Mahal," tugon ni Pat.
Napatagal ang kwentuhan namin ni Patricia, hindi ko namalayan ang oras. Mag-aalas sais na hindi pa ako nakakauwi sa bahay. Nagpaalam na ako kay Pat dahil uuwi na ako.
"Mahal, uuwi na ako. Hindi pa ako nakikita ni Mama Gina ngayong araw e. Ang sabi ko pa naman pauwi na ako kanina tapos ngayon wala pa rin ako. Baka nag-aalala na 'yon," paalam ko kay Pat.
Patay na rin ang cellphone ko. Wala rin akong dalang charger dahil nanghiram lang ako kay Aldrin no'ng nasa tagaytay kami.
"Ayos lang, Mahal. Next time nalang," sambit ni Pat.
"Tawagin mo muna sina Tita Vicky at Tito Al, magpapaalam ako," sambit ko kay Pat.
Tinawag niya ito at agad naman itong bumaba sa sala para magpaalam na rin sa akin.
"Tita't Tito, mauuna na po ako," paalam ko.
"Mag-iingat ka, bumalik ka nalang dito kapag may time ka," sambit ni Tita.
"Mag-ingat ka, Dos. 'Yung sinabi ko sayo ha," sambit naman ni Tito Al.
"Opo, noted po 'yon, Tito Al. Dito na ako Ate Danica," paalam ko pa uli.
"Sige, mag-ingat," kaway nito sa akin.
"Mom, hatid ko lang si Dos sa gate," paalam ni Pat.
"H'wag kalimutang isarado ang gate ha," sabay balik nito sa taas.
"Tara na, Mahal. Hatid na kita sa labas," aya sa akin Pat.
Nang makalabas kami sa gate ay nagsuot na agad ako ng helmet. Half face lang naman ang helmet ko kaya kita pa rin ang mukha ko.
"Paano, chat mo nalang ako ha," sambit ko kay Pat.
"Oum, I love you," tugon nito.
"I love you too!" Sabay lapit ng aking mukha sa mukha niya.
Hinalikan ko sa labi si Patricia. Sa 2 months namin magkarelasyon ay hindi ko pa siya nahahalikan sa labi puro forehead at cheeks lang. Kaya laking tuwa ko nang hindi siya umatras. Smack lang ang nangyari at nagpaalam na ako.
"Next time uli, bye!" Sakay ko sa aking motor at paandar nito.
Nakita ko namang kumakaway si Pat sa aking side mirror na papasok na sa gate nila.
Itutuloy...