Nang gumising kami kinaumagahan ay agad na kaming nag-asikaso upang umuwi na. Hinahanap namin si Aling Mildred pero hind namin siya makita.
Ang suspetya namin ay maaga itong gumising at bumaba sa bayan upang mamili ng lulutuin.
Paalis na kami nang makasalubong namin sa pintuan si Aling Mildred at hawak-hawak nito ang kaniyang pinamili.
"Aalis na agad kayo, e hindi pa nga kayo nag-uumagahan?" Sambit ni Aling Mildred.
"Ayos lang po, may madadaanan naman po kaming makakainan d'yan sa kalsada," tugon ni Aldrin.
"Ay hindi. Maupo muna kayo d'yan ay mabilis ko lang itong lulutuin," pagmamatigas ni Aling Mildred habang nagmamadaling pumunta sa kusina.
Wala na kaming nagawa kaya naman naupo nalang kami sa sala. Pinagkwentuhan nalang namin 'yung nangyari kagabi na kababalaghan.
"Legit ba talaga 'yon, Dos?" Tanong ni Von sa akin.
"Oo nga pre, narinig mo naman 'yung sinabi ni Pat diba?" Tugon ko.
"Nakakatakot pala dito sa rest house niyo, Von," dikit sa akin ni Aldrin.
"Ewan ko ba, wala naman akong nararamdaman dito kapag bumibisita kami," paliwanag naman ni Von.
Magulo pa rin sa amin kung sino 'yon na nagpakita sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at naghintay nalang ng pagkain.
"Oh 'di ba, mabilis lang? Kain na kayo," dala-dala ni Aling Mildred ng prinito niyang ulam.
Agad kaming umupo sa harap ng lamesa at nagdasal muna bago kumain.
"Amen!" Sabay-sabay naming sambit.
Inumpisahan na namin kumain. Pinasabay na rin namin si Aling Mildred kumain sa amin para isahan nalang.
Mabilis lang ang naging pagkain namin at nagpaalam na kami kay Aling Mildred dahil uuwi na kami.
"Paano po nay, dito na po kami," paalam ni Von at lapit nito sa matanda.
Niyakap niya ito nang mahigpit dahil siguro ay miss na miss niya na ito at ngayon lang sila nagkita.
"Mamimiss kita nak. Mag-iingat kayo sa pag-uwi," paalala ni Aling Mildred.
"Dito na po kami," kaway ko at sakay sa motor.
Nilisan namin ang rest house nila Von nang maaga upang maaga rin kami makauwi at makapagpahinga. Naalala ko na dadaanan pa pala ako sa bahay nila Pat dahil sinabi niya na may nangyari daw sa kanila at ikekwento niya pagdating ko.
Bago pa kami makauwi ay kumain muna kami nila Von at Aldrin sa isang fast food restaurant. Inabutan na kasi kami ng tanghalian sa daan kaya kumain kami.
No'ng una ay hindi pa ako pumapayag na kumain sa restaurant dahil malapit na rin kaming makauwi pero mapilit si Aldrin at siya raw ang manglilibre. Um-oo nalang ako dahil sayang naman ang blessing kung papalagpasin.
Huminto kami sa isang fast food chain, Jollibee. Umorder na agad si Aldrin at kami naman ni Von ay humanap na ng pwesto para may maupuan.
"Ano sa gusto n'yo?" Tanong sa amin ni Aldrin na papunta nang cashier.
Sa kadahilanang nagugutom na rin ako dahil sa layo ng byahe ay agad ko nang sinabi ang gusto ko.
"Sa akin 2pc chicken with drinks ah," sambit ko kay Aldrin.
"Ang kaunti naman ng order mo," sambit ni Aldrin habang dumudukot ng wallet.
"Sa akin 2pc chicken din with extra rice, tapos drinks at sundae," singit naman ni Von.
"Osige, gano'n nalang pareho ang order niyo ni Von," sambit ni Aldrin.
"Osige lang," pagsang-ayon ko.
"Hanap na kayo upuan Von," sambit nito. "Magchat kayo kapag may nahanap kayo ah. Sunduin niyo ko kapag nandito na 'yung order," dagdag pa nito.
Pumunta na ito sa cashier upang umorder at magbayad. Kami naman ni Von ay humanap ng table, pero sa kasamaang palad ay puno na sa baba kaya umakyat kami sa 2nd floor.
Buti nalang ay maluwag pa ang pwesto dito. Mga 8 lamesa lang ang okupado and the rest ay wala nang nakaupo.
Umupo agad kami ni Von sa lamesang malapit sa bintana. Nagcellphone nalang kami ni Von at naghintay na lang sa chat ni Aldrin.
Chinat ko na agad si Patricia para sabihing malapit na kaming makauwi at kakain muna kami.
Pat: Goodmorning, Mahal! Kumain kana. Mag-ingat pag-uwi. I love you.
Nakalimutan ko pa lang tignan ang messenger ko kung may chat si Patricia. Kaya naman hindi ko nareply-an ang kanina niya pang message. Alas syete niya ito sinend at ngayon ay tanghali na.
Dos: Mahal, sorry late reply. Malapit na kami, nag-aya lang 'to si Aldrin na kumain dahil mukhang nagugutom na.
Pat: Dumiretso kana agad doto pagtapos niyo kumain. May nangyari kasi kagabi, diba na sabi ko na sa'yo?
Dos: Oo, Mahal. Sinabi mo lang kagabi na may nangyaring hindi maganda pero hindi mo pa nakukwento.
Pat: Mamaya ko nga sa'yo ikukwento pagpunta mo dito sa bahay.
Dos: Pupunta ako sa bahay niyo? As in papasok?
Ilang buwan na rin kaming magkarelasyon ni Patricia pero kahit isang beses ay hindi pa ako nakakapasok sa pamamahay nila.
Hindi pa kami legal sa side ni Pat pero sa side ko ay legal na kami. Botong-boto pa nga si Mama Gina at Papa Mak na si Patricia ang naging girlfriend ko.
Pat: Oo, kailangan dito sa loob ng bahay natin pag-usapan. Ipapakilala na rin kita kina Mama at Papa.
Nang mabasa ko ang chat ni Pat ay bigla akong kinabahan. Nakukwento lang kasi ni Pat sa akin 'yung mga magulang niya pero hindi ko pa namemeet ang kahit sino sa kanila.
"Hoy! Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Von.
"O-oo," nagulat kong tugon.
"Nagchat na si Aldrin, andoon na raw 'yung order natin. Tara na! Puntahan na natin," aya sa akin ni Von.
"Tara na," pagpayag ko.
Dali-dali na kaming bumaba ni Von para kuhain ang order namin sa cashier.
"Andami nito ah," sambit ko kay Aldrin.
"Ayos lang 'yan, pinatuloy mo naman kami sa rest house niyo kahit minulto tayo. Atsaka sabi ko kay Aldrin na sagot ko siya sa trip nating 'to kaya dinamihan ko na," paliwanag ni Aldrin. "Tara na, nagugutom na ako."
Umakyat kaming tatlo hawak ang tray na kung saan nakalagay ang mga order namin. Umupo na agad kami para makakakain na.
Ilang minuto lang ay nakalipas ay parang dinaanan ng bagyo 'yung tray na puno ng pagkain. Lahat ay walang laman, kung may laman man ay puro latak nalang ng pagkain.
"Busog na busog na ako," alok sa amin ni Von ng pagkain niyang tira.
"Ubusin mo na 'yan, minsan lang 'to oh," sambit naman ni Aldrin na pumapapak pa ng fried chicken.
Sa sobrang gutom ko ay hindi na ako umiimik sa pinag-uusapan nila. Patuloy lang ako sa pagkain para maubos ang inorder ni Aldrin, sayang naman kasi kung may matitira. Marami kaya ang hindi nakakain tapos sasayangin lang namin? No way!
Nang matapos kami kumain ay agad na nag-aya umuwi si Von dahil hinahanap na raw siya sa bahay nila.
"Tara na, hinahanap na ako sa bahay ng Mommy," tayo nito sa kinauupuan namin.
"Tara na, dadaan pa ako kila Pat," sambit ko.
"Napapansin ko, bukambibig mo si Pate. Kayo na ba?" Pang-uusisa sa akin ni Aldrin.
Hindi agad ako nakasagot dahil inaalala ko ang sinabi ni Pat na gusto niya ng private and lowkey relationship. Pero sa nabasa kong chat kanina ay mukha pwede na.
"Oo, pare," sambit ko na walang pag-aalinlangan.
"We? Kailan pa?" Tanong naman ni Von na mukhang interesado.
"No'ng may pasok pa. 2 months na rin kami," tugon ko.
"I'm proud of brodie," sabay yakap ni Aldrin sa akin.
"Stay strong pre. Masaya ako para sa inyo," sabay fist bomb sa akin ni Von. "Tara na, baka pagalitan pa ako ng nanay ko," aya pa nito.
"Tara," labas namin sa fast food restaurant na kinainan namin.
Maghihiwalay na kami ng daan doon. Ako kasi pakanan, sila naman ay pakaliwa ang daan nila. Kaya nagpaalam na ako sa dalawa.
"Paano pre, dito na ako," paalam ko sa dalawa. "Salamat uli sa libre niyo," dagdag ko pa.
"Wala 'yon, ingat ka d'yan," sambit ng mga ito at nag-umpisa na akong paandarin ang motor ko.
"Kita-kits nalang mga pare!" At busina ako no'ng paalis na ako.
Mabilis na akong pumunta sa bahay nila Patricia. Habang nagmamaneho ay ramdam ko ang lakas ng t***k ng aking dibdib- kinakabahan ako. Wala pa kasi akong alam kung bakit niya ako papupuntahin sa bahay nila.
Nang makarating ako malapit sa bahay nila ay huminto muna ako sa may kanto at nagchat kay Patricia.
Dos: Mahal, andito na ako sa labas. Labas kana.
Ilang minuto rin ang lumipas bago niya ito maseen. Sa tingin ko ay naligo pa ito kaya matagal nakapagreply.
Pat: And'yan kana pala, wait. Pababa na ako, d'yan ka lang.
Wala pang ilang minuto ay nakita ko na lumabas ng gate si Patricia. Hinahanap niya ako pero hindi niya ako makita kaya naman tinawag ko na siya.
"Mahal! Andito ako," sigaw ko kay Patricia na naglilinga-linga.
"Ilapit mo dito 'yang motor mo, mainit!" Sigaw nito mula sa harap ng bahay nila.
Kaya dali-dali akong nagdrive papunta sa harap ng bahay nila Pat para magpark.
Nang makababa ako sa motor ko ay tinanggal ko na ang helmet ko at sinigurado kong nakalock ang aking sasakyan.
"Saan ba tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Pat.
"Sa loob tayo mainit," aya sa akin ni Pat at hila sa braso ko.
Medyo nagpipigil ako nang mapansin kong hinihila ako ni Pat at papasok na kami sa gate nila. Hindi ko kasi alam kung anong sasalubong sa akin sa loob ng bahay nila.
"Wait, kinakabahan ako," sambit ko kay Pat.
"Wala naman kakain sayo sa may loob ng bahay," pampapalubag-loob nito sa akin. "Dali na, mainit dito sa labas," nagmamadali nito tugon.
Napansin kong kumukunot na ang mukha ni Patricia kaya naman sumama na ako sa kaniya papasok. Mas gugustuhin ko pang mapagalitan ng nanay at tatay niya kaysa naman magsuyo ako. Mahirap kasi ito suyuin, hindi namamansin.
"Oy, Dos! And'yan ka pala, pasok!" Aya sa akin ni Ate Danica.
"Maganda hapon po!" Bati ko sa ate ni Pat.
Nasa sala kami naupo at kinakabahan na agad ako. Hindi pa nalabas ang nanay at tatay ni Pat pero parang gusto ko nang umuwi.
"Mom! Dad! Andito na si Dos!" Tawag ni Ate Danica sa kwarto ng magulang nila.
"And'yan na ba? Akala ko mamaya pang gabi dadating," sambi ni Mrs. Manalo.
She is Victoria Manalo ang nanay ni Patricia. Nagpapatakbo ng isang business company nilang pamilya.
"Hello, Sweetie! Kumain kana ba?" Tanong nito sa akin na kinagulat ko.
Sa unang tingin, akala mo ay kakainin ka niya nang buhay. Ang kilay kasi ni mother ay naka on fleek kaya mapagkakamalang masungit. Ngunit nang magsalita ito ay napakalambing ng boses, parang boses ni Patricia.
Itutuloy...