Ilang linggo na rin ang nakalipas nang maaksidente ako sa Urdaneta City. Malapit na sana ako kung nasaan si Shyr ngunit hindi inaasahan ang mga pangyayaring naganap. Mabuti na lamang talaga ay nabuhay pa ako. Nawalan kasi ng brake ang motor ko sa isang kurbada at biglang may sumalubong na 10 wheeler truck. Hindi ako tumama sa kasalubong kong truck, naiwasan ko kasi ito. At nang maiwasan ko ay nawalan na ako ng balanse at humampas ang ulo ko sa may kalsada, mabuti na lamang at safe ang helmet ko pero nawalan pa rin ako ng malay. Mabuti na lang talaga ay hindi ako naipit ng truck na iyon dahil panigurado ang kamatayan ko kung nagkataon. Wasak ang aking motor, ito kasi ang naipit at tumama sa truck na aking kasalubong. Marami agad taong ang huminto at tumawag ng ambulansya upang tulungan

