Masayang nakauwi si Patricia sa Pilipinas, natapos na kasi ang ginawa nilang project sa ibang bansa ng kaniyang Ate Danica. Bago ito umuwi sa Pilipinas ay bumili muna ito ng mga pampasalubong sa mga kaibigan, kapamilya at mga malalapit pang tao. Naalala pa pala nito si Mama Gina at Yna dahil hindi sila nakalimutan ni Patricia bilihan ng mga pasalubong galing ibang bansa. Nang makababa ang sinasakyan niyang eroplano sa NAIA ay agad itong dumiretso sa bahay nila doon pa rin sa Sta. Mesa. Agad itong natulog at nagpahinga nang makarating sila sa kanila bahay dahil sa sobrang pagod at samahan pa ng matinding jet lag na kaniyang nararamdamam. Lumipas ang isang araw ay maayos na ang pakiramdam ni Patricia. Ngayong araw niya napagplanuhan pagparte-partehin ang mga pasalubong niya galing iba

