Nang malaman ni Patricia na may naalala na naman ako sa past ay sobrang saya niya. Sa sobrang saya niya ay niyakap niya ako nang kay higpit. Nagulat nalang din ako sa ginawa niya pero gusto ko rin naman ito. "Pat..." mahina kong sambit at tapik sa likod niya. Noong mapansin niya na nagulat ako sa pagkakayakap niya sa akin ay agad itong bumitaw. Tila ba naawkward-an lang si Pat sa paglalapit ng aming katawan. "M-mabuti..." tawa pa nitong mahina. "Mabuti naman at naalala mo. Ang galing mo, Dos!". "Ikaw kamo ang magaling, hindi ko in-expect na dito mo ako dadalahin," tugon ko kay Pat. "Alam ko kasing mahal na mahal mo ang tula. Sakto naman na nasabi sa akin ni Jaz na may ganito silang pakulo kapag malapit na ang pasko kaya naman dinala kita dito," paliwanag nito. "Kilalang-kilala mo ta

