Nang matapos ang pagtutula ng unang performer sa may auditorium ay nagkaroon ng isang oras na break time para kumain muna ang mga manunuod at magpeperform pa. Kaya naman agad kaming tumayo sa kinakaupuan namin ni Pat upang pumunta sa counter. Hila-hila ako sa kamay ni Pat at tila ba nagmamadali, ayaw niya raw kasi ng mahabang pila, hassle raw. Habang naglalakad kamk patungo sa counter ay sakto naman na nakasalubong namin si Jaz. "Saan kayo pupunta bes?" Tanong nito kay Pat. "O-order kami sa may counter nito ni Dos," tugon naman nito kay Jaz. "Gano'n ba, pumili na kayo ng order niyo at isulat niyo sa papel na 'to," abot sa amin ng papel ni Jaz. "Ibigay niyo na lang sa akin kapag nakapili na kayo para naman mauna ko na kayong maserve-an,". Grabi, ang laki ng business na ito ni Jaz. Hin

