Maganda ang sikat ng araw na iyon. Saktong-sakto lang ito sa alis naming dalawa ni Patricia. Hindi gano'n kainit dahil malamig ang simoy ng hangin kahit na magtatanghali na. Alas onse y media nang patuloy kaming bumyahe sakay ng kotse ni Pat. Sakto lang ang temperatura sa loob, hindi ganoon ka lamag at hindi naman ganoon kainit, talagang saktuhan lang. Ilang minuto na kaming bumabyahe ni Patricia, tanging musika lang na galing sa bluetooth speaker ng kotse niya ang naririnig namin. Araw-araw by Ben&ben!! Noong nasa stage pa lang ako ng recovery ko sa mga pinsalang natamo ko ay mga kanta ng Ben&ben ang naging treatment ko sa aking utak na gulong-gulo. Ang Araw-araw ang isa sa pinakapaborito ko nilang kanta so far. Puro small talks lang ang kaganapan namin ni Pat habang bumabyahe. Pagk

