Nakatulog na ako that night nang matapos akong makasulat ng tula tungkol sa aking nararamdaman. Effective nga ang sabi-sabi nila na nakakagaan ng pakiramdam kapag isinusulat mo ang mga emosyon na nararamdaman mo. Mukhang maganda naman ang kinalabasan ng pagsusulat ko ng tula. Ito ay malaya at may tugmaan na lalong nagpaganda pa sa nasulat ko. Hindi ko inakala na gano'n ang magiging output, dahil kasi sa aksidente ko ay parang nawala lahat ng karanasan ko sa pagsusulat ng tula. Ang tahimik ng paligid ko, parang na sa paraiso ako. Patuloy akong naglakad nang naglakad upang libutin ang lugar na ito ngunit walang katao-tao dito maliban sa isa. May isang babae sa dulo ng daan. Hindi ko maaninag ang mukha niya kaya naman patuloy akong lumapit. Karipas ang takbo ko hanggang sa malapit ko na siy

