Kabanata 17

1820 Words
Hindi ko alam kung talagang napatawad na ako ni Pat sa mga pangyayari sa dorm ni Ely. Pinagsisisihan ko talaga ang mga nangyari, ilang araw din nasa isip ko 'yon. What if kung hindi nalang ako pumunta? Kaya naman talagang iwas ang ginawa ko kay Ely, ayoko na kasi maulit. Alam kong nasaktan no'n si Patricia pero hindi niya lang sinabi sa akin. Kaya hindi ko na kailan pa man gagawin ang mga pagkakamali ko. Ilang araw din ang lumipas at patuloy akong nagmamasid sa mga kilos ni Pat. Alam ko kasing may hindi tama sa mga nangyayari. Duda talaga ako na childhood friend niya lang 'yung Jesrael na 'yon at nagchachat sa kaniya ng 'Iloveyou'. March 20, 2017 Ilang linggo nalang ay patapos na ang school year namin. Sure na makakapasa ako ngayong taon dahil alam ko sa sarili ko na maganda ang pinakikita kong performance sa loob ng classroom. Isang buwan na rin pala ang lumipas matapos ang mga pangyayari na hindi maganda. Naalala ko rin na isang buwan na pala akong nanliligaw kay Patricia. "Ngayong linggo ang final exam niyo, kapag natapos na ang linggong ito ay compute-an na ng grades niyo. Goodluck sa exam!" Wika ni Ms. Amistoso at abot nito ng mga test papers sa subject niya. "Nakapag-review ka, Dos?" Natatarantang tanong ni Von. "Oo, ikaw ba?" Tugon ko dito. "A-ah hindi nga e," sabay kamot sa ulo. "Bakit, anong nangyari ba?" Tanong ko dito habang kinukuha ko ang test paper na inaabot ng nasa unahan ko. "Naaya ako mag-inom ng mga kabanda ko, hindi ko akalain na uumagahin ako. Nakita niyo naman na late ako," paliwanag ni Von. "Sige, ako na bahala mamaya," agad kong tugon. Kita sa mukha ni Von na nakahinga siya nang maluwag sa sinabi ko. Nagreview naman ako kaya kompyansado ako magpakopya. Give and take naman ang ginagawa namin kaya hindi nakakatamad magpakopya. "Mayroon kayong isang oras para sagutan 'yang mga test paper at pwede na kayong magrecess pagkatapos," paalala pa ni Ms. Amistoso. "Okay po, Ma'am!" Tugon ng aking mga kaklase. At nag-umpisa na kaming magsagot ng aming mga test papers. Focus na focus ang lahat dahil kapag naipasa nila ang exam na ito ay wala na silang poproblemahin. "Dos, anong sagot sa 20?" Pabulong na tanong ni Von. "D. None of the above," bulong kong tugon upang hindi mapansin ng aming professor. Ilang minuto pa ang lumipas ay patapos na akong magsagot. Iba talaga ang naka-review kapag ganitong mga examination, marami kang maisasagot. "Ma'am, may I go out?" Taas ng kamay ni Von. "Sige, go ahead," pagpayag naman ni Ms. Amistoso. Dali-daling lumabas si Von at dumungaw sa bintana, nasusuka na pala ito. Mukhang may hangover pa si tanga. Kitang-kita ko siya sa kinauupuan ko dahil harap lang ako ng pinto. Nakalabalik na agad si Von at nang dadaan na ito sa upuan ko ay pasimple kong inabutan ito ng kapirasong papel na puro sagot ang laman. "Thank you pre!" Pasasalamat pa nito. "Welcome pare," tugon ko kay Von. Natapos na ang binigay na oras ni Ms. Amistoso. Naglalabasan na ang mga iba kong kaklase upang bumaba at pumunta sa cafeteria. Nagpasa na rin ako ng papel ko at napansin kong hindi pa tapos ang mga kolokoy sa exam nila, kaya naman naghintay nalang ako sa corridor ng aming classroom. Nakita ko si Shyr na papalabas ng classroom kasama ang mga sosyalera niyang mga kaibigan na si Amanda, Stacey at Cassandra. Amanda Corpuz is a short hair girl na 5'1 lang ang height pero kung sungitan ka akala mo ay kaya ka niyang patayin. Ang pamilya niya ay sagana sa yaman dahil may sarili silang business. Next is Stacey Miloren, she's a morena girl with a b***h face. May katangkaran para sa isang babaeng Filipino at nakakatakot ang mukha nito na akala mo lagi kang hinuhusgahan kapag nakatitig. Parehong business minded ang parents niya kaya naman hindi nakakapagtaka na sosyalin ito at may butler pa na naghahatid-sundo. Lastly is Cassandra Maraveles, she's a leader of their squad. Ito talaga ang pinaka-nakakatakot sa kanila dahil parang nanglalamon ito nang buhay. Nakakatakot kasi ang kilay nito na laging naka-on fleek. Sikat ito sa campus dahil anak siya ng president ng school. Kahit na mga attitude ang mga babaeng ito ay mababait naman sila- minsan nga lang. Si Shyr lang ang medyo friend ko sa kanilang apat, mahinhin kasi ito at calm lang ang mga expression ng mukha niya. Magaling din ito makisama kaya naman makakasundo mo talaga. Nag-hi sa akin si Shyr habang kasama niya na lumabas ng classroom ang mga ka-squad niya. "Hi, Dos!" Bati sa akin ni Shyr. Tumango nalang ako at nginitian ko nalang si Shyr. Kitang-kita ko na masama ang titig ng tatlong kasama ni Shyr sa akin kaya natatawa nalang ako. "Dos, ino nginingitian mo d'yan?" Tanong ni Aldrin kasama ni Von. "Oy! Antagal niyo naman mag-exam, kumain na tayo," aya ko naman sa dalawa. "Nahirapan nga ako e. Hinulaan ko nalang 'yung ibang hindi ko magets," tugon ni Aldrin. "Nagugutom na ako, kain na tayo," aya ni Von habang himas-himas ang tiyan. "Tara na nga," hila ni Aldrin sa aming dalawa ni Von. Agad kaming bumaba sa cafeteria upang bumili ng makakain namin. Hinahanap ko agad si Pat that time, pero hindi ko siya nakita baka nage-exam pa. Humanap na kami ng mauupuan namin dahil dumadami na ang mga estudyante sa cafeteria, ayoko naman kumain nang nakatayo. Kumakain kami nang makita ko si Jaz na bumibili doon kay Aling Nena. Agad ko itong pinuntahan para itanong kung na saan si Pat. "Pre, pabantay muna ng kinakain ko ha, h'wag niyo bawaaan 'yung ulam!" Wika ko habang naglalakad palayo sa lamesa namin. "Jaz, nakita mo si Patricia?" Agad kong tanong dito na tumuturo pa ng bibilhin. "Ay andoon sa classroom. Pinauna niya na ako bumaba kasi hindi pa ata siya tapos sa exam," tugon naman ni Jaz. "Ah gano'n ba. Salamat, Jaz!" At kapa ko sa bulsa ko. "Osige. Dito muna ako, Dos," at alis nito. Hinanap ko agad ang barya ko sa magkabilaang bulsa ng aking pantalon upang bilihan ng makakain si Pat. "Aling Nena, ganda niyo today ah?" Bati ko at sabay turo ng pagkain. "Pabili nga nito te, pati na rin 'yung maiinom na 'yon," dagdag ko pa. "Nangbola ka na naman, Dos! Oh eto na," at abot nito ng mga binili ko. "Salamat!" Tugon ko at dali-dali kong akyat sa building nila Pat. Nasa 3rd floor lang ang room nila Pat kaya mabilis ko itong napuntahan. Nakita ko siyang naglilipit ng mga gamit niya nang biglang magring 'yung phone niya. Sinagot niya ito at lumabas sa corridor ng classroom nila. Agad naman akong nagtago para marinig kung sino ang kausap niya. On Call... 'Mahal?' 'Mahal, napatawag ka?' sambit ni Pat sa phone. 'Andito kasi si Mom and Dad at gusto ka nila makita, may hinandang dinner si Mom para sayo. Are you down?' Dinig ko na sinabi ng kausap niya sa phone. 'Okay, Mahal. Pupunta ako, akong oras ba?' Tanong pa ni Pat. Hindi ko na nakayanan ang mga narinig ko, umalis na ako agad at hindi ko na tinapos ang pag-uusap nila dahil nasasaktan ako. Nakita ko ang isa niyang kaklase na paakyat sa floor nila kaya pinaabot ko nalang ang mga binili kong pagkain para kay Pat. "Paki-abot nalang kay Pat, salamat," malamig kong sambit dito. "O-osige," nagtatakang kuha nito sa inabot ko at nagputuloy umakyat. Agad akong bumalik sa classroom dahil mag-uumpisa na ang isa pang exam. Gulong-gulo na ako sa nangyayari sa amin ni Pat. Nais kong malinawan sa mga nangyayari pero wala naman akong lakas ng loob komprontahin siya kung may boyfriend na ba siya at pinaglalaruan niya lang ako. Pansin sa akin na bigla kong pagtahimik no'ng mga oras na 'yon. Wala akong gana sa lahat ng bagay. Nag-exam ako nang tuliro. Hindi maalis sa isipan ko ang nangyari. Naiisip ko nalang na baka nga gumaganti si Pat dahil sa nagawa kong kasalanan. Nang matapos lahat ng exam nang araw na 'yon ay nakita ko si Jaz na bumibili sa school supplies, mukhang hindi pa sila tapos mag-exam. Agad ko siyang nilapitan. "Jaz, pakisabi naman kay Pat na hindi ko siya masasabay mamaya. May inaasikaso pa kasi ako," pagdadahilan ko dito. "Ah gano'n ba, sige sasabihin ko. By the way hinahanap ka niya kanina ah?" Tugon ni Jaz. "Pakisabi nalang ha, salamat!" At lakad ko palayo. Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni Jaz, wala na akong gana makipag-usap noong araw na 'yon. Agad akong naglakad papauwi. Bakas sa akin ang lungkot na nadarama ko. Kaya napansin ito ni Mama. "Mano po, Ma," bungad ko kay Mama nang makauwi ako sa bahay. "Pagpalain ka nawa," tugon naman ni Mama. "Anak, ayos ka lang ba?" Dagdag nito. "Ayos naman po," tugon ko. "Bumagsak ka ba? Hayaan mo na 'yon, grades lang 'yon. Mababawi mo 'yon," sambit ni Mama. "Hindi lang po maganda ang pakiramdam ko ma," sagot ko kay Mama sabay akyat sa kwarto. "Nak, kumain ka muna dito," aya sa akin ni Mama. "Busog pa ho ako," tugon ko at dali-daling binagsak ang gamit at katawan sa kama. Hindi naman gano'n karami ang mga pinagawa ngayong araw, nag-exam lang kami pero pagod na pagod ang katawan ko. Feeling ko makakatulog ako nang isang linggo. Upang mawala sa isipan ko kahit papaano ang mga nangyari ay nagscroll ako sa f*******:. Ilang sandali pa ay hindi ko inaasahang nakita ang kakapost na picture ni Pat at Jesrael kasama ang magulang nito. Hindi ko na napigilan ang aking sarili na hindi humagulgol sa iyak. Bigla akong tinamad na gawin yung mga bagay na nakasanayan ko. Mukhang narinig ito ni Mama at kumatok sa pinto. "Nak, ayos ka lang ba?" Tanong nito habang nasa likod ng pinto. Hindi ako nakasagot dahil patuloy pa rin ang paghagulgol ko. Dahil sa pag-aalala ay binuksan na ni Mama ang pinto para yakapin ako. "Nak, bakit ka umiiyak?" Papaiyak nitong tanong. Mukhang nahawa rin ito sa akin. Mana kasi ako sa kaniya na mababaw lang ang mga luha kaya mabilis naiyak. "Maaa," humahagulgol kong yakap kay Mama. "Sige, iiyak mo lang nak. Andito lang lagi si Mama sa tabi mo," naiyak nitong sambit. Patuloy lang ako sa pag-iyak at hindi ko na alam ang sasabihin. "Anak, magkwento ka kung kaya mo na ha? Hindi kita pipilitin," sambit pa ni Mama. Sa sinabi ni Mama ay patuloy pa akong naiyak. Kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari sa aking buhay kasama si Pat. "Nak, alam mo ang mga bagay ay hindi 'yan pinangungunahan. Try mong kausapin si Patricia nang malinawan ka sa lahat," payo ni Mama sa akin. "Lagi mo lang tandaan na kung blessing panalo, lesson naman kung talo," at yakap uli nito sa akin. Nag-open ako kay Mama nang gabing iyon, hindi ko na kasi kaya. Bigla na lang sumabog 'yung naipon kong hinanakit. Buti nalang talaga andyan si Mama. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD