Matapos nang gabing iyon ay nagdesisyon na akong kausapin si Pat. Gusto ko na rin kasi malinawan sa mga nangyayari kasi nakakaapekto na 'to sa buhay ko.
One time ay inaya ako ni Pat sa isang art exhibit ng kaniyang ate na si Danica. Alam niya kasing mahilig ako sa sining kaya sinabihan niya ako.
She is Danica Lynne Manalo, an artist. Hilig niya ang pagguhit at pagpinta sa canvas gamit ang mga oil pastels, paint and even coffee. Photography rin ang isa pang hilig nito, kadalasan ang puro subject niya ay about sa problema na kinahaharap ng marami sa atin kaya naman nagustuhan ko.
Nakita ko na ang ilan sa mga gawa niya at sobrang gaganda nito, makikita mo ang puso sa mga gawa niyang obra. Hindi nga nakakapagtaka na sikat na ito, sa ibang bansa man o dito sa atin sa Pinas.
Nagchat ito sa akin upang ipaalam kung kailan gaganapin ang nasabing art exhibit.
Pat: Hi, Dos! Gusto sana kitang imbitahin sa darating na linggo. May mangyayari kasing art exhibit dito lang banda sa Quezon City. Andoon lahat ng gawa ni Ate Danica, baka gusto mong makita?
Dos: Ita-try ko kung wala akong gagawin, baka kasi tulungan ko si Mama magtinda.
Pat: Sana makapunta ka, Dos. I know na mahilig ka sa arts kaya ikaw agad ang naisip ko nang sabihin ni ate na may gaganapin siya na art exhibit.
That was the right time para makausap ko si Patricia upang maging malinaw na sa akin ang lahat.
Dos: Okay, send mo nalang sa akin 'yung location kung sakaling maging free ako sa darating na linggo.
Nagdahilan na lang ang ako na kunwari ay nag-aalangan akong sumama dahil iwas ako sa kaniya, pero ang totoo ay maluwag ang schedule ko.
Pat: Yey! I'll send to you right away. One thing pa pala kuhain mo sa akin 'yung ticket para makapasok ka.
Sa kadahilanang umiiwas ako kay Pat ay sinabi ko nalang na si Aldrin ang kumuha tutal palagi ko naman kasama 'yon at maiaabot niya agad sa akin.
Dos: Baka hindi ko makuha sa'yo, marami pa akong inaasikasong requirements. Abot mo nalang kay Aldrin, sa kaniya ko na lang kukuhain.
Pat: Ateneo de Manila University Arts WIng, Katipunan Ave, Diliman, Quezon City, 1800 Metro Manila, Philippines.
March 26, 2017
2:00 pm
Ay gano'n? Okay, iaabot ko nalang kay Aldrin para mabigay sa'yo.
Dos: Alam ko 'yan, madali lang puntahan. Sige na, bye.
Pat: Bye! I miss you.
Seen.
Sineen ko nalang ang huling mensahe ni Pat. Gulong-gulo na ako sa mga pinapakita niya.
March 24, 2017
Ito ang araw kung saan ang huli naming exam ay gaganapin. Focus ako sa araw na ito kaysa sa mga nagdaang mga araw, dahil siguro sa puro major ang exam namin ngayong araw.
Matataas naman ang mga grades ko last semester kaya hindi ako natatakot na baka bumagsak ako sa finals. Ang gusto ko lang ay ma-maintain ko ang ganitong mga grades hanggang matapos ang school year na 'to.
Tatlong subject nalang ang ite-take namin sa araw na ito dahil tapos na ang iba. Ang kaso lang ay puro major subject ito.
"Dos! Nakapagreview ka ba?" Tanong sa akin ng dalawang kolokoy na sina Aldrin at Von.
"Sakto lang, nireview ko 'yung binigay na pointers to review ng mga prof natin," tugon ko sa dalawa.
"Nakapagreview rin ako, kaso baka may hindi ako alam. Dating gawi nalang, tulungan," paliwanag naman ni Von.
"Himala, hindi ka napasama sa mga kabanda mo at hindi ka lasing today," pang-aasar pa ni Aldrin.
"Hindi, alam kong puro major exams natin ngayong araw kaya hindi ako sumama sa mga tanga na 'yon," tugon ni Von.
"Upo na, andiyan na si Ma'am. Amistoso," sita ko sa dalawa na nasa harapan pa nag-uusap.
Pumasok na si Ms. Amistoso sa classroom na may dala-dalang mga test papers sa kamay niya.
"Guys, goodmorning! Andito na lahat ng exams niyo. Dating gawi, kapag natapos na kayo ay lumabas na kayo ng room dahil may nag-eexam pa.
Sa umaga kasi ay isa lang ang exam namin. Kapag natapos iyon, ay break time na kaya pinapalabas agad kami upang hindi magulo ang mga nagsasagot ko pang kaklase.
"Okay, get one and pass to your back," sabay abot ni Ms. Amistoso ng mga test papers.
Nag-umpisa na akong magsagot at sa awa ng Diyos ay andito lahat ng nareview ko kagabi. Alam na alam ko ang mga sagot, sisiw na sisiw.
Wala pang isang oras ay madali ko na 'tong natapos. Sa katunayan nakakahiya nga lumabas agad dahil ako pa lang ang natatapos sa amin kaya waiting na naman ang ganap ko sa corridor.
Lumipas ang isang oras ay lumabas na si Aldrin at sumunod na si Von. Mabilis lang din sila natapos sa mga exam nila.
"Bilis niyo ah," bungad ko sa dalawa na kakalabas pa lang ng pinto.
"Iba talaga ang may review. Samahan pa ng tulungan," sabay tawa ni Von.
"Mismo, tara na sa baba," aya ko sa dalawa.
"Tara," pagsang-ayon ni Von.
"Wait lang, Dos. May ipinaabot sa'yo si Pat," sabay pasok nito uli sa classroom.
Agad itong pumunta sa upuan niya at binuksan ng bag. Paglabas ni Aldrin ay may hawak itong ticket tungkol sa art exhibit na sinabi niya sa akin kagabi.
"Eto oh," sabay abot sa akin ni Aldrin ng ticket. "Ibigay ko raw sayo sabi sa akin ni Pat. Nakita ko siya kaninang pagpasok ko," dagdag pa nito.
Dali-dalian ko namang kinuha at tinignan ito. Nakasulat kung saan gaganapin ang art exhibit at kung kailan.
Nang mabasa ko ang nakalagay dito ay tinago ko na agad ito sa wallet ko. At niyaya ko nang kumain ang dalawa.
"Oy, thank you. Tara na, baba na tayo!" Aya ko kina Aldrin at Von.
Bumaba na agad kami at bumili na ng makakain. At agad na umakyat sa building namin upang maghanda sa susunod pang exams.
Natapos ang araw na 'yon nang matiwasay. Natapos ko lahat ng exams namin at feeling ko mataas ang makukuha kong grades.
Hindi ko nakita si Pat nang araw na 'yon, mukhang maaga sila nakauwi dahil siguro sa kaunti nalang ang tinake nitong exams.
Nagchachat ito sa akin, naga-update. Hindi ko naman gaano ini-entertain, minsan sinasagot ko pero pansin ang mga cold replies ko sa kaniya.
Sumapit ang weekends at parang wala akong gana na tumayo sa aking kama. Gusto ko nalang na humiga buong araw pero palagi akong kinakamusta ni Mama Gina.
"Nak, ayos ka lang ba?" Katok nito sa pintuan ng kwarto ko.
"Ayos lang po," tugon ko.
"Eto pala anak 'yung mga dati mong libro, nakita ko sa box dito sa ibaba," bukas nito sa pinto at abot sa akin nang nasabing libro.
"Saan niyo po ito nakita? Akala ko po tinapon niyo na po ito?" Tanong ko kay Mama.
"Hindi, tinabi ko lang iyan baka gamitin mo pa," tugon niya sa akin. "Osige na, nagluluto pa ako. Bumaba ka doon mamaya ha," dagdag pa ni Mama.
"Osige po. Thank you dito ma," pasasalamat ko at alis naman ni Mama Gina sa kwarto ko.
Agad ko itong binuksan at bumungad agad sa akin ang pamagat...
100 tula para kay Sela.
Naalala ko tuloy ang mga nakaraan nang makita ko ito. Nagsulat pala ako ng isang daang tula para sa taong mahal ko pero iba ang kaniyang gusto.
Sa loob nito ay hindi lang puro tula, mayroon din na sketches ng mukha ng babaeng minsan kong inibig at tinuring na prinsesa ko pero ang ending- iniwan niya pa rin ako.
Ayoko nang makita muli ang sarili ko na nabaliw sa isang babae na hindi naman alam ang worth ko at sasaktan lang ako. Ayoko nang makita ang nanay ko na naapektuhan dahil sa akin. Ayoko nang umiyak gabi-gabi dahil hindi ako 'yung tingin niyang tinadhan sa kaniya ng Diyos. Ayoko na.
Binasa ko ito, parang bumalik ang lahat sa akin, yung saya, yung kilig pati na rin ang sakit.
Tula #1: Umpisa
Unang beses kang makita,
Tila ba'y walang masambit na salita -
Ganda mo'y nakakatulala.
Nakakatawa isipin na ang effort ko na pala noon kaso binaliwala lang Hahaha.
Tula #8: Sisig
Naranasan ko 'yung sinasabi nila. Yung kapag daw nakita mo na - yung babaeng mahal mo, bigla raw titigil 'yung mundo at tila oras ay hihinto. Naranasan ko 'to, no'ng araw na sisig ay inabot sa'yo.
Grabe, naalala ko 'to. Ito 'yung oras na nakilala niya ako hawak-hawak ang inorder niyang sisig sa mama ko.
Tula #25: Goodmorning
In every morning that you wake up
Fold your blankets before take a cup
Bed should be arranged and tied up
As well as your pillows before something interrupts.
May paalala pa, hindi niyo kaya Hahaha. Iba ang ngiti ko nang isinusulat ko ito, napakahiwaga talaga ang pagmamahal. Magagawa mo ang mga bagay na hindi mo kaya kapag nagmamahal ka.
Tula #100: Kumot
Gabi na naman at may kalamigan
Wala kana sa'king hagkan.
Laging hinahanap init mong dala
Para kang kumot o aking sinta.
Iniisip na lamang na ika'y nilabhan
Sa kinabukasan ay andito ka na naman.
Sana nga'y panandalian iyong paglisan
Kasi kahit may kapalit, iba parin ang nakasanayan.
That time na sinulat ko ito ay iniwan mo na ako, walang kasiguraduhan kung babalik pa ba siya sa piling ko. Umalis nalang kasi siya bigla, walang abiso o paalam. Nakakainis nga bakit dinaan ko pa sa tugmaan kung ang kailangan ko lang naman ay lakas ng loob at tapang.
Nakita ko pa ang mga guhit ko dito ng kaniyang magandang pagmumukha. Inspired na inspired ako lumikha ng mga obra dahil sa kaniya pero dahil din sa kaniya ay hindi na ako gumuhit muli.
Ang dami kong time noon magsulat at gumuhit para ialay sa babaeng pinakamamahal ko. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi ko na ibigay ito kaya pinatapon ko nalang kay Mama Gina pero tinago niya pala ito.
Nang ibigay sa kin ni Mama uli ito naisip ko na nakakatakot palang magmahal pero walang duda na masarap ito sa pakiramdam. Kaya sabi ko sa aking sarili na kung may darating man ay sana panghabangbuhay na.
Kaya hindi ko na muli gagawin ang nagawa kong pagkakamali dati, hindi na ako magiging takot na sabihin ang nararamdaman ko kaya napagpasyahan ko na pumunta sa art exhibit bukas.
Pinaghandaan ko ito, agad kong inayos ang mga susuotin ko bukas para hindi malate. Gustuhin ko mang matulog nang maaga noong gabing iyon ay hindi ko magawa sa hindi malaman na dahilan.
Dahil sa hindi ako dinadalaw ng antok ay gumuhit muna ako. Sinubukan ko kung marunong pa ako dahil dalawang taon na rin ako tumigil sa pagguhit. Sa awa ng Diyos ay marunong pa naman ako, kailangan nga lang ng practice upang maging malinis ang ginuguhit ko.
Alas tres y media na ako dinalaw ng antok at nakatulog din sa wakas.
Itutuloy...