Kabanata 19

1858 Words
March 26, 2017 (10:30 am) Binilinan ko na si Mama na gisingin ako bago mag-alas dos no'ng gabing iyon dahil aalis ako. "Nak!" Sigaw ni Mama Gina sa ibaba upang gisingin ako para makapag-umagahan. "Kain na!" Dagdag pa niya. Nagising ako sa lakas ng boses ni Mama Gina, agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras- 10:30 pa lang, ang aga pa. "Ma, sampung minuto!" Sigaw ko sa aking kama at balik agad sa pagkakatulog. Agad kong inalarm ang aking phone kung sakaling malimutan ni Mama na gisingin ako mamaya. Anong oras na pala ako nagising, dahil siguro sa puyat at pagod ko 'yon. Kahit ang init na sa aking kwarto ay tinuloy ko pa rin ang tulog ko, maaga pa rin kasi. Ilang sandali pa ay ginising na ako ni Mama Gina. Naririnig ko ito na nagmamadaling umakyat sa hagdanan at kumakatok sa pinto. "Nak, gising na anong oras na. Hindi ka ba aalis?" Sambit nito sa harap ng pintuan ng kwarto. Agad kong kinapa ang cellphone ko sa lamesa sa may gilid ng aking uluhan. Dinampot ko ito at tinignan kung anong oras na. 1:30 naaa! Hindi nag-alarm yung cellphone ko, kaya dali-dali akong tumayo sa kama at niligpit na ang aking higaan. Dinampot ko na rin ang tuwalya at damit na hinanda ko kagabi upang makaligo na. "Akala ko hindi ka aalis e, kanina pa kaya kita ginigising," sambit ni Mama Gina. "Sige, ma. Liligo na ako, excuse," nagmamadali kong baba sa may hagdanan para pumunta sa palikuran. "Andyan yung pagkain, nakatakip!" Pahabol nitong bilin sa akin. Mabilis akong naligo. Kuskos dito, kuskos doon at punas dito, punas doon. Natapos ako na may shampoo pa sa tenga sa pagmamadali. Buti nalang at nakita ko ito sa may salamin habang nagto-toothbrush. Pinunasan ko agad ito at dali-dali na akong naglagay ng palaman sa tinapay upang ayon na lang ang aking panglaman tiyan. Dinampot ko na agad ang helmet at susi ng motor para makaalis na. Medyo malayo-layo rin kase sa amin ang lugar na paggaganapan ng art exhibit kaya paniguradong male-late ako nang dating. "Ma, una na po ako!" At suot ng helmet. "Mag-ingat ka ha," bilin sa akin ni Papa. "Osige ma at pa, dito na po ako," paandar ko sa motor at agad-agad na umalis na. Nakita ko na medyo makulimlim ang langit nang oras na 'yon, kaya dinalian ko ang pagmamaneho ng motor ko para hindi maabutan ng malakas na ulan. Naririnig ko rin na kanina pa nagba-vibrate ang cellphone ko. Senyales na may nagcha-chat sa akin sa may messenger. Mukhang si Pat ito at kanina pa ako hinahanap dahil alas dos na at wala pa ako. Hindi ko na rin ito sinagot dahil baka maabutan pa ako ng ulan at sayang sa oras kung hihinto pa ako. Maga-alas dos y media na at na-traffic pa ako kaya naman sinilip ko muna ang cellphone kong kanina pa nagba-vibrate. Pat: Saan kana, Dos? Pat: Pupunta ka ba? Naghihintay kasi ako. Pat: Mag-uumpisa na, hintayin kita sa gate. Pat: Pumasok ka nalang ah, nag-uumpisa na kasi tinatawag na ako ni Ate Danica. Pat: Where are you na? Paktay mukhang late na late ako, nakakahiya sa pamilya ni Patricia. Buti nalang talaga ay biglang lumuwag ang kalsada kaso nag-uumpisa nang umambon kaya dinalian ko pa ang pagpapatakbo sa aking motor upang makahabol pa sa exhibit. Saktong alas dos y media ay nakarating na ako sa harap ng exhibit. Pinark ko na rin ang motor ko sa parking lot ng building. Mukhang maraming tao ang andito, nakasosyalin ang mga suot. Samantalang ako ay faded na pants, white t-shirt na pinatungan ng flannel at converse lang ang suot. Talagang itsura nalang ang panlaban. Charot. Pumasok ako at nakita ko na ang lawak ng art exhibit ng ate niya, nakita ko rin ang mga likhang obra ng mga sikat na artist pati ni Ate Danica. "Dos?" Lapit sa akin ng isang babae na maganda rin. Si Ate Danica pala ito, nakilala ko siya sa itsura dahil pinakita ni Pat ang litrato niya sa akin. Nandoon siya may gate at inaasikaso ang mga guess na papasok, nagtataka lang ako paano niya ako nakilala. "O-opo," tugon ko na nagtataka pa. "Nakwento ka sa akin ni Patricia kaya nakilala agad kita sa itsura," paliwanag pa nito. "Ow, kaya po pala," sabay tawa na pilit para hindi awkward. "Andoon si Pat sa may likod ng kurtina na 'yan, puntahan mo nalang sila," turo sa akin ni Ate Danica. "Sige po, mamaya nalang," lakad ko papunta sa tinuro ng ate ni Pat. Andaming tao sa loob ng exhibit, kaya naman nagtingin-tingin muna ako sa mga nakasabit na painting sa dingding. Ang gaganda nito, talagang binigyan ng oras ng artist ang paggawa ng mga obra dito. Pinapangarap ko rin ito, 'yung magkaroon ng sariling art exhibit ng mga likhang obra ko. Natanaw ko na si Pat sa second floor, may kinakausap na mga bisita kaya naman agad ko siyang pinuntahan. Naka-akyat na ako sa second floor ngunit bago pa ako makarating kay Pat ay may umakbay na sa kaniya. Si Jesrael pala at ang nanay at tatay nito, pinapakilala si Pat na girlfriend niya. Sa tagpong iyon ay nalinawan na ako sa lahat. Ang akala kong hindi totoo ay nasaksihan kong tunay. Siguro nga ay hindi lahat ng gusto natin ay ginugusto tayo pabalik. Mapaglaro nga ang tadhana, pero bakit lagi na lang ako ang binuburot niya? Bumaba ako sa hagdan at nakita ako ni Pat na palabas. Hinabol niya ako papuntang parking lot. Tinatawag niya ako pero wala na akong lakas ng loob na humarap pa sa kaniya. "Dos, kausapin po ako please!" Pagmamakaawa nitong pigil sa akin. "Malinaw na sa akin lahat, Pat. 'Yung mga picture sa f*******:, 'yung mga chat niya sa'yo, 'yung paghahatid, lahat malinaw na sa akin," naluluha kong tugon. "A-akala ko ikaw na 'yung babaeng magpapaniwala sa akin ng habangbuhay, pero katulad ka rin pala ng iba," umiiyak ko nang sambit. "D-dos, mali lahat ng alam mo," nakaharang sa harap ng motor ko habang naiyak. "Ano ba ang tama, Pat? Na ako 'yung mahal mo? Ako 'yung gusto mo? Tangina naman," tugon ko kay Pat. Nag-iiyakan na kaming dalawa doon sa may parking lot. Hawak-hawak niya ako sa braso habang umiiyak. "Ikaw ang mahal ko, Dos! Ang lahat ng nakita mo ay hindi totoo," nagmamakaawa nitong paliwanag. Sumunod din si Jesrael kay Pat sa parking lot. Hindi na ako nakapagtimpi at binigyan ko ito ng suntok sa mukha. Agad namang tinulungan ni Pat ang natumbang si Jes. Papaalis na ako nang pigilan ako ni Jes. "Dos, mali lahat ang iniisip mo. Nagpapanggap lang kami ni Pat," sambit ni Jes habang nakahawak sa pisngi niya. "A-ano?" Patay ko sa makina ng motor ko. "Tama ka ng narinig, nagpapanggap lang kami ni Pat. Gusto kasi ng tatay ko na lalaki ang magmamana ng business namin, dati kasing heneral iyon. Natatakot ako na malaman niyang bakla ako kaya humingi ako ng tulong kay Pat na magpanggap na maging girlfriend ko," paliwanag pa ni Jes. "Tama 'yon, Dos. Hindi lang ako makahanap ng tiyempo para sabihin sa'yo," sambit ni Pat. "H'wag ka sana magalit sa mga sweet na message ko kay Pat dahil parte iyon ng pagpapanggap namin, pati 'yung paghahatid," dagdag pa ni Jesrael. Niyakap nalang ako ni Pat at humingi sa akin ng tawad habang umiiyak. "Sorry, Dos. Hindi ko nagawang sabihin sa'yo," mahigpit na yakap ni Pat sa akin. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit dahil mali pala ako ng akala. Gay pala si Jes, bakit hindi ko napansin sa dinami-rami ng mga gay friends ko. Agad akong humingi ng tawad kay Jes dahil sa nasuntok ko siya. Inaamin ko na mali ako na nagpadala ako sa emosyon ko. Talagang totoo na h'wag tayo magdedesiyon kapag punong-puno tayo ng nararamdamang emosyon dahil may hindi ito magandang kalalabasan. "Sorry, Jes. Nagpadala ako sa galit ko," hingi ko ng tawad kay Jesrael. "Ayos lang 'yon, Dos. Mali rin namin ni Pat dahil hindi namin sinabi sa'yo," sambit pa nito. Kinausap ko si Pat sa nangyari. Hinawakan ko ito sa kamay at tinanong. "Sabi mo kanina, ako ang mahal mo?" Pang-aasar kong tanong kay Pat. "A-ah e-eh... Oo nga!" Banas nitong tugon sa akin na may paghampas pa. "Mahal kita, mahal mo rin ako, so tayo na?" Seryoso kong tanong. "O-oo," nang marinig ko ang matamis niyang oo ay muli ko siyang niyapos. Tuwang-tuwa akong isipin na sa tagal-tagal kong may gusto sa kaniya ay sa wakas, kami na. Bumitaw ito at hinawakan ang dalawa kong kamay at mukhang may sasabihin si Pat. "D-dos, favor pwedeng lowkey lang ang relationship natin dahil itutuloy namin ni Jes ang pagpapanggap," sambit ni Pat. Ayos lang naman sa akin kung magpanggap sila ni Jes at ipakitang magjowa kuno sila ni Pat sa harap ng magulang niya. Ang mahalaga sa akin ay mahal ako ni Pat at may label na ang relationship namin kahit lowkey lang. "Oo, ayos lang sa akin," tugon ko. "Thank you, Dos! I love you na rin," wika ni Jesrael na tumatalon pa sa tuwa. Yumakap din ito sa akin dahil sa tuwa. Tinapik ko nalang siya sa likod. "I love you, Pat!" Sambit ko sa harap ni Patricia. "I love you too, Dos!" Tugon niya sa akin. Inaya ko si Patricia na sumama sa akin dahil may pupuntahan kami. Nagpaalam din kami kay Jes na aalis muna kami ni Pat at siya na ang bahala kung hanapin si Pat. "Tara, Pat," aya ko dito. "Saan tayo pupunta?" Nagtatakang tanong nito. "Basta, sumama ka nalang at may pupuntahan tayo," paliwanag ko kay Pat. Agad naman siyang nagtiwala sa akin kahit hindi niya alam kung saan kami pupunta. Sinuot ko ang dala kong extra helmet kay Pat at sumakay na ito sa motor. "Jes, ikaw na bahala kapag hinanap ako ni Mommy at Daddy," paalam ni Pat. "Sige lang be, ako na bahala magpaliwanag dito. Mag-ingat kayo!" Pagsang-ayon ni Jesrael. "Bye, Jes!" Paalam ko dito. Agad kong pinatakbo ang motor ko at bumyahe na. Madilim na no'ng mga oras na 'yon kahit alas tres y media pa lang. Minadali kong magmaneho papunta sa pupuntahan namin ni Pat. Sa kasamaang palad ay inabutan na kami ng malakas na ulan sa daanan. Huminto muna kami sa waiting shed at pinasuot ko kay Pat ang kapoteng nakalagay sa compartment ng motor ko. Kaunti pa lang ang patak ng ulan pero anlalaki nito sinamahan pa ng malakas na hangin. Napagpasyahan namin na bumyahe na dahil anlakas ng paparating na ulan. Balak ko sanang dalhin si Pat sa Antipolo upang mag-sightseeing pero hindi na kami natuloy dahil bumagsak na ang malakas na ulan. Kahit nakasuot kami ng kapote ay basang-basa na kami. Walang tigil ito kaya nagpatila muna kami ng ulan sa bahay. "Ma!" Bukas ko sa pintuan ng bahay. Mukhang walang tao sa bahay. Naalala ko pala na pupunta pala sila Mama sa tita ko sa may Bulacan dahil birthday nito. Nagchat pala ito sa akin na paalis na sila at baka sa tuesday pa makauwi dahil maraming paghahanda raw ang gagawin. Dalawa lang kami ni Pat sa bahay at basang-basa ang mga suot namin. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD