Kabanata 20

1821 Words
Dumiretso muna kami ni Pat sa bahay upang magpatila ng ulan dahil malapit ito kung nasaang waiting shed kami. Pagkadating sa bahay ay walang tao kahit isa, umalis pala sina Mama at sa susunod na araw pa makakauwi. Basang-basa kami ni Pat dahil sa lakas ng ulan noong araw na 'yon. Nakakalungkot isipin na dahil sa global warming kahit summer na summer ay gano'n kagrabi ang lakas ng ulan. Agad kong binuksan ang pinto at sinindihan ang ilaw sa sala. Tinabi ko na rin ang motor ko upang hindi masira ng ulan ang makina sa aming maliit na parking space. Dali-dali naman akong tumakbo sa kwarto at kumuha ng mga damit na ipahihiram ko kay Pat. "Eto Pat, suoting mo," abot ko sa kaniya ng t-shirt kong malaki sa kaniya at basketball shorts. "Oy, thank you dito," tugon naman ni Pat. "Dito ang palikuran 'no?" Tanong pa nito. "Oo, diyan lang. Buksan mo nalang ang ilaw, andiyan ang switch sa gilid ng pinto," wika ko naman habang nagpupunas ng tuwalya sa katawan. "May sabon at shampoo na rin d'yan. Pagpasensyahan mo na, wala kaming shower, tabo lang ang gamit namin at medyo maliit ang palikuran namin," paumanhin ko kay Pat. Agad na akong naghanap ng maluluto sa refrigerator. Kahit basang-basa pa ako ng ulan ay sinumulan ko nang magluto upang may makain na kami ni Pat. Binuksan ko na rin ang TV upang manuod ng balita. Salamat naman ay walang bagyo at habagat lang ang mayroon. Sa paghahanap ko ng lulutuin sa may refrigerator ay nakakita ako ng macaroni shell at isang lata ng evaporada, kaya napagpasyahan ko na magluto ng sopas. Saktong-sakto ito sa malamig na panahon. Natuto akong magluto dahil kay Mama Gina. Ako kasi ang katulong niya noong nagtitinda pa siya ng mga alumusal, lutong ulam at merienda. Malapit nang maluto ang sopas na nasa kalan at sakto namang kakalabas lang ni Pat sa palikuran. "Dos, tapos na ako. Ikaw naman, dalian mo at malamig," sambit nito na nasa harapan pa ng pintuan ng palikuran. "A-ah s-sige, tapusin ko lang 'to," gulat ko nang lumabas siya sa palikuran. Nagulat ako nang nakatapis pa ito ng tuwalya at hindi pa sinuot ang mga binigay kong shorts at damit. "B-ba't hindi ka pa bihis?" Nag-aalangan kong tanong kay Pat. Napatitig nalang ako kay Pat at sa suot niyang tuwalya na kita-kita ang legs. Maputi si Pat kaya hindi na nakakapagtaka na maputi ang mga legs nito. "Hala! Nakalimutan ko, sorry. Nasanay kasi ako sa bahay na sa kwarto nagbibihis," paliwanag nito na dali-daling pumasok uli sa cr. Patuloy kong binigyang pansin ang sopas na niluluto ko, tinimplan ko rin ito para magkaroon ng lasa. Natapos ko nang lutuin ang sopas at hinanda ito sa may lamesa. Naghubad na rin ako ng damit at nagpunas ng tuwalya na hawak ko. "Dos, tapos na ako. Totoo na 'to," natatawang sambit nito habang palabas sa palikuran. "Mabuti naman tapos kana. Umupo kana dito nang makakain kana at hindi ito lumamig," sambit ko sabay higop ng sabaw. Wala pa ring hinto ang malakas na ulan. Napapanuod namin sa TV na baha na sa iba't-ibang parte ng Quezon City. Pumasok na ako sa palikuran at inumpisahan ko maligo. Iniwan ko si Pat sa sala na kumakain ng sopas na luto ko. Mabuti nga ay nagustuhan niya ito. Ansarap pa nang pagkanta ko sa may loob ng palikuran namin nang biglang kumidlat at kasabay nitong nawalan ng kuryente. Narinig ko na may nagmamadaling tumatakbo papuntang pituan ng palikuran. "Dos! Hoooy!" Katok ni Pat sa palikuran. "Buksan mo, dali!" Dagdag pa nito na nagmamadali. "Naliligo ako!" Sigaw ko habang nagbubuhos ng tubig. "Magtuwalya kana! Dalian mo natatakot ako!" At katok nito sa pintuan ng CR na animo'y masisira niya na. Agad kong kinuha ang nakaaukbit na tuwalya sa likod ng pinto at tinapis ko ito sa akin. Binuksan ko ang pinto ng CR, kitang-kita ko ang mukha ni Pat na takot na takot. "Dos! Samahan mo ako!" Takot na yakap nito sa akin. Nagulat talaga ako dahil ang tapis ko lang ay manipis na tuwalya kaya naramdaman dumikit ito sa tiyan niya. Alam kong naramdaman niya ito ngunit hindi na lang pinansin dahil sa sobrang takot. Agad akong lumabas at patuloy pa rin na nakayakap sa akin si Pat. "Wait ka lang d'yan," bitaw ko kay Pat. "Kukuhain ko lang 'yung kandila," at bukas ko ng cabinet sa kusina. Nang makita ko ang mga kandila ay agad ko itong sinindihan upang magkaroon ng liwanag sa sala. Takot pala sa kulog si Pat kaya pala tumakbo ito sa palikuran sa akin. Nanginginig pa nga itong humihigop ng sabaw. Alas syete na rin no'n kaya madilim na. Balak ko pa sanang ihatid si Pat sa art exhibit ng ate niya pero baha na ang mga kalsada na dadaanan namin kaya delikado na rin. "Pat, baka hindi kita maihatid na ngayong gabi. Baha na sa mga kalsada baka tumirik 'yung motor sa kalsada, maaksidente pa tayo," paliwanag ko kay Pat habang nagbibihis. Agad naman itong naintindihan ang sitwasyon kaya chinat nito si Jaz upang sabihin na andoon siya matutulog dahil may final project pa silang gagawin. "Okay na. Napapayag ko na si Jaz, hindi talaga makakahindi sa akin 'yon," sabay tawa nito. "Mabuti naman," tugon ko kay Pat. "By the way, saan tayo matutulog?" Tanong ni Pat. "Doon sa may kwarto ko, tabi na lang tayo sa kama," palusot kong sambit. "Tse. Ayaw ko nga. Sa lapag nalang ako matutulog," sambit nito sabay pout. "Hahaha joke lang. Maglalatag na lang ako sa lapag, doon kana sa may kama ko," upo ko sa tabi niya. "Mabuti," at nagtawanan nalang kami. Ilang oras na rin ang nakakalipas ay wala pa ring tigil ang ulan na 'to. Binabaha na nga ang creek doon sa malapit, sa awa ng Diyos ay elevated ang kinatatayuan ng bahay namin kaya hindi ito inaabot ng baha. "Infairness ah, masarap ang luto mo. Saan mo natutunan?" Tanong nito habang kumakain ng sopas. "Tinuruan ako ni Mama Gina. Sayang nga wala sila dito, hindi mo siya makikilala," tugon ko naman kay Pat. "Kaya nga e, sa kwento mo lang kilala ko siya," sambit pa nito. "Next time, mame-meet mo rin si Mama," wika ko pa. "Aasahan ko 'yan," at tayo nito para hugasan ang kinainan namin. "Ako na maghuhugas, Pat," pigil ko sa kaniya na hawak na ang sponge. "Ako na maghuhugas, ikaw na nga nagluluto ng kinain natin e," paliwanag pa ni Pat. "Okay, ngayon lang 'yan," sambit ko. Nang matapos kami kumain at maghugas si Pat ay inaya ko na siya umakyat sa kwarto. Nilock ko na rin ang mga bintana at pinto sa baba upang iwas sa akyat-bahay gang. "Tara na, Pat," takbo ko sa hagdan para matakot si Pat. "Dos! Hintay!" Habol nito sa hagdan at nang maabutan ako nito ay nanghampas pa. Medyo malawak naman ang kwarto ko kaysa sa ibang kwarto kaya naman paniguradong kasya kami dito ni Pat. "D'yan kana sa kama, aking prinsesa," pang-aasar ko pa kay Pat. "Tse!" Sabay hagis sa aking ng unan at kumot. "Panlatag mo," dagdag pa nito. Agad na akong naglatag sa gilid ng kama at sinimulan ko nang mahiga dahil sa busog ako. Hindi ko napansin na nakita pala ni Pat ang libro kong sinulat. "100 tula para kay Sela? Sino siya?" Buklat ni Pat sa libro. "A-ah, dati kong crush," paliwanag ko ni dito. "Ang galing mo pala gumuhit, Dos. Infairness magand siya ha," kuha nito sa bond paper kung saan nakaguhit ang mukha ni Sela. Nagbasa-basa rin si Pat ng mga tulang ginawa ko. Tula #22: Ibang Dimensyon Siguro nga pareho tayo, na gustong makarating sa ibang mundo - mundong tahimik at malayo sa gulo. Tipong dito magpapalitan ng hinanaing at kuro-kuro. Kay sarap isipin, hilingin na sana nga'y totoo ang mundong 'to. "Ang sweet mo talaga ano?" Pampupuri nito sa akin. "Hindi naman ah," pagtanggi ko dito. "Ito pa oh, pero ba't...," putol na sambit ni Pat habang binabasa ang tula. Tula #79: Kumusta Ayokong makabasa ng 'kumusta' galing sayo, sa dahilang natatakot akong malunod muli at umasa na mabalik ang dating tayo. Kaya mas mainam na sigurong mag-isa, habang natatanaw kang masaya kasama siya. Kaysa kasama ako pero iba ang tinitibok ng iyong puso. "Ang bitter na! Ghinost ka ba nito? Hmpk!" Tanong nito sabay lipat uli sa iba pang pahina. Tula #88: Alaala Ang alaalang nabuo nating dalawa sa maliit na pahanong tayo’y minsan nang nagsama ay ‘di na maaaring balikan pa at mananatili na lamang na isang alaala. "Ansakit naman nito, mahal," sambit ni Pat kaya ito'y kinagulat ko. "Ano? Paki-ulit?" Bingi-bingihan ko. "Ansakit naman nito, mahal kako. Ulit-ulit tayo dito?" Pikon na tugon nito. Ang ngiti ko naman talaga ay abot tenga dahil sa laki. Nawala lang nang sandali sa aking utak na kami na pala ni Pat. Tula #92: Bumalik sa Umpisa Malayo na ang aking nalakad Ni hindi na kita maaninag Akala ko'y kaya ko na Pero sa isang kamusta, bumalik na naman ako sa umpisa. "Grabe ka mahal, ramdam ko 'yung sakit na naramdan mo sa mga sinulat mong tula," yakap nito sa akin. Nagulat ako sa ginawa ni Pat pero yumakap na rin ako at hinalikan siya sa noo. "Ayoko na nga basahin 'yan, baka maiyak pa ako sa mga mababasa ko," sarado nito sa libro. "Tama 'yan, matulog kana dahil maaga pa kitang ihahatid kila Jaz para magpasundo kana lang sa ate mo doon," sambit ko. "Hala, hindi ko pa nasampay 'yung mga damit ko. Samahan mo ako sa baba," hila nito sa akin. "Eh, ikaw na. Inaantok na ako mahal," at kunwarian kong tulog para asarin si Pat. "Ah ayaw mo?" Tanong nito na mukhang may binabalak. "Ayaw!" Talukbong ko pa ng kumot. Lumapit ito sa akin at kiniliti ako sa tagiliran. Alam niya kasing malakas ang kiliti ko sa katawan, lalo na sa batok. "Oo naaa! Tara naaa!" Pagsang-ayon ko kay Pat para magsampay sa may CR. "Sasama ka rin pala e, pinahihirapan mo pa ako," sabay hila nito sa akin pababa ng hagdan. Bumaba kami sa may sala at sinindihan muli ang kandilang nasa drawer ng cabinet sa may sala. "Dali na, hintayin na kita dito," sambit ko habang paupo sa may lababo. "Diyan ka lang ha, kundi mamaya ka sakin," pagbabanta nito sa akin na may kasama pang turo kaya natatawa ako. Nagscroll nalang ako sa f*******: at hinintay kong matapos si Pat maglaba ng mga damit niya. Maga-alas onse nang bigla namang bumalik ang kuryente at tumilanang ulan. "Ayan may ilaw na," sambit ko kay Pat. "Subukan mong iwan ako, kahit may ilaw pa 'yan. hmpk!" Sabay pout nito habang naglalaba. Nang matapos maglaba si Pat at maisampay na ang mga basa niyang damit ay umakyat na kami at nahiga na sa kaniya-kaniya naming higaan. Wala akong ginawang masama kay Pat dahil malaki ang respeto ko sa babaeng 'yon. Nakatulog kami maga-ala una pagtapos namin magkwentuhan. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD