Matapos ang araw na iyon ay halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Una ay masaya dahil naaalala ko na ang ibang pangyayari sa buhay ko at nalaman ko na rin kung ano talaga kaming dalawa ni Pat noon. Pangalawa ay pangamba dahil gulong-gulo ako sa nararamdaman ko. Alam kong may girlfriend ako ngayon ngunit parang mas gusto ko pa na laging kasama si Pat kaysa kay Shyr. Panghuli ay takot. Ayoko kasing masaktan si Shyr sa mga pansarili kong mga desisyon. Matutulog na sana ako nang matapos kami kumain dahil nakauwi na rin si Pat sa kanila. Nakahiga na ako sa aking kama nang magring ang cellphone ko. May tumatawag... Agad ko itong sinagot at hindi na ako nagulat dahil pangalan ni Patricia ang nakita ko sa aking cellphone. "Hello," agad kong bati dito. "Dos, sorry... baka kasi hindi matuloy '

