“A-Arvin,” tawag ko kay Arvin na kaharap sila Lolo Tonio. Parang lalamunin na ng buhay ni Lolo Tonio si Arvin. Si Lola Bening naman ay puno ng pagtataka ang ekspresyon. Napalunok ako at biglang binalot ng labis na pag-aalala. Ano ba ang na isipan nito at nagpunta rito sa bahay? Dahan-dahang lumingon sa akin si Arvin. Agad itong ngumiti at kinawayan ako. “Eloisa. You’re here.” Nakagat ko ang aking labi nang tumingin na rin sa akin sila Lolo. Nag-iwas ako agad ng tingin at nagtatakang tiningnan si Arvin. “A-Ano ang ginagawa mo rito?” takang tanong ko sa kanya. Tumikhim ng malakas si Lolo Tonio. “Maupo ka na rito, Eloisa,” seryosong utos niya. Napalunok na ako at bumuntonghininga. Pinandilatan ko pa muna si Arvin bago lumapit sa kanya. Umupo ako sa katabing upuan ni Arvin at humar

