Dumeretso kami ni Arvin sa site niya at doon nag-usap. Gusto niya sana akong dalhin sa kanyang bahay ngunit mariin akong tumanggi. Tulala lamang akong umiiyak sa buong byahe namin hanggang sa makarating kami roon. Hindi kasi mawala sa isipan ko sila Lolo. Sigurado ako na galit na galit sila sa akin ngayon. “Bakit mo iyon ginawa?” tanong ko kay Arvin. Nakaupo kaming dalawa sa sopa. “Gusto ko lang makita ka ulit.” “Pero bakit sa bahay?” singhal ko sa kanya at nilingon siya. Agad na nanlambot ang tuhod ko nang magsalubong ang mga mata namin. Aaminin ko, na miss ko siya. Pero pilit ko iyon winaksi. Hindi ako pwedeng magpadala sa nararamdaman ko. “Eloisa.” Bumuntonghininga si Arvin at hinawakan ang mga kamay. “I know you’re mad, but let me explain, okay?” nagsusumamong sabi niya. Mulin

