Kinabukasan ay hindi ko pa rin nakita si Arvin. Tanging ang mga trabahante lamang niya ang kumain sa karenderya. Kaya naman ay pasimple kong nilapitan si Mang Kadyo para tanungin. Hinabol ko siya sa may tapat ng karenderya. “Mang Kadyo,” tawag ko sa kanya. Tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa akin. “Si Arvin po?” “Si Sir?” Tumango ako. “Andoon sa site. Nagpabili nga lang ng pagkain kasi may tinatapos daw na plano.” Ibig sabihin andito lang pala siya. “Sige, Mang Kadyo. Salamat po,” aniko at tumango sa kanya. Nagpaalam na ako kay Mang Kadyo at bumalik na sa loob. Alam ko na ang gagawin ko. Napangiti ako habang iniisip ang ideyang nabuo sa aking isipan. Matapos kong malaman ang nangyari kay Mama ay kailangan kong makasiguro. Dapat malaman ko kung sensero ba si Arvin sa akin. Pa

