Third Person’s Point of View “What was that Arvin?” nagtatakang tanong ni Claudia pagkaalis ng kotseng sinakyan ng babaeng buntis at ng lalaking sumugod sa kanyang asawa. Sinundan pa nilang dalawa ng tingin mula sa labas sa ng restaurant na kanilang kinakainan. Naikuyom ni Arvin ang kanyang mga palad. Hindi siya makapaniwala na muli niyang nakita si Eloisa at kasama pa si Danilo. Bigla siyang nakaramdam ng matinding pagngingitngit. Hindi niya pinansin ang kanyang asawa at naglakad papunta sa parking lot. Mabilis naman sumunod si Claudia sa kanyang asawa. Hindi niya maipaliwanag ang kabang kanyang nararamdaman. Alam niyang may mali, pero gusto niyang makasigurado. Pagkasakay ni Arvin sa kotse ay mabilis din siyang sumakay sa passenger seat. “Arvin!” “What?!” sighal ni Arvin kay

