Walang pagsidlan ang galak ko noong pumayag si Lolo na pakasalan ako ni Arvin. Hindi ko alam kung ano ang sinabi niya kay Lolo at napapayag niya ito. Pero malaki ang pasasalamat ko dahil wala na kaming po-problemahin. Nalaman ko na pinaalalahanan siya ni Lolo tungkol sa akin. Sinabi rin sa kanya ni Lolo ang tungkol sa nangyari kay Mama. Sabi ni Arvin, na iintindihan na raw niya ako kung bakit hindi ko agad ginusto na sabihin kila Lola ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Pagkatapos na pumayag ni Lolo ay namalengke kami ni Arvin. Sa bahay na lang kasi pinakain ni Lola si Arvin para may makausap pa ito. Nagluto ako ng dinuguan at nagprito ng isda, ito kasi ang gusto nila Lola. Pagkatapos ko ay tinulungan ako ni Arvin sa paghahanda ng pagkain namin. “Kailan namin makakausap ang magulang m

