“Sigurado na ba tayo?” nag-aalalang tanong ko kay Arvin. Napag-usapan kasi namin na kakausapin na sila Lolo tungkol sa plano naming pagpapakasal. Hihingiin na niya ng pormal ang aking kamay mula kay Lolo. Hindi ko maiwasang pagpawisan ng malamig, sana ay pumayag si Lolo. Hinawakan ni Arvin ang aking nanginginig na kamay. Bahagya niya iyong pinisil. “I am always sure about you, Eloisa,” malambing na sabi ni Arvin. Huminga ako ng malalim. Pilit kong pinapakalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Kaso wala iyong epekto. Pinisil ko rin ang palad ni Arvin at ngumiti sa kanya. “H-Halika na?” Tumango si Arvin. Binigyan niya muna ako ng halik sa noo bago siya lumabas ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Muli akong huminga ng malalim bago magkahawak kami ng kamay ni Arvin na lumakad papasok

