Makalipas ang ilang araw ay umalis na si Danilo. Napag-alaman ko mula kay Aling Marites ang dahilan kung bakit umalis si Danilo. Dumating pala ang ama nito. Isang negosyante para ang tatay niya at taga-Maynila. Nalaman nito ang nangyari sa kanyang ina kaya naman ay hinanap agad si Danilo. Noong una raw ay ayaw sumama ni Danilo, pero kinausap siya ng masinsinan nila Aling Marites. Totoo naman, mas mapapabuti kung andoon siya sa ama niya. Magbabago pa ang buhay niya kaysa kung andito siya. ‘Yon nga lang, nakakalungkot kasi hindi na kami magkikita. Kung magkita man ay sigurado ako na matagal pa iyon. Sa ngayon ay naging mas malinaw na sa akin ang lahat. Mas mahal ko talaga si Arvin, mahalaga sa buhay ko si Danilo, kung ano man ang nangyari sa amin ay hinihiling ko pa rin na maging kagaya pa

