Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatitig sa papel na hawak ko. Paulit-ulit ko iyong binabasa at inuunawa iyon. Mula noong malaman kong buntis ako ay hindi na ako napakali. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Arvin ang balita. Higit sa lahat ay hindi ko alam paano ko iyon sasabihin kila Lola. Sigurado akong labis silang mag-aalala dahil doon. Handa naman ako, kaso hindi ko lang inakala na ganito kaaga akong mabubuntis. Pinakiusapan ko rin sila Aling Marites na h’wag na lang muna ipagsasabi kahit na buntis ako. May tiwala naman ako sa kanila, pero hindi ko naman pwedeng patagalin lalo na’t magdadalawang buwan na akong buntis. Nahigit ko ang aking hininga at nahiga sa kama. Hindi na rin ako pinapasok ni Aling Marites at pinauwi na lamang. Nagdahilan na lang ako kay Lola na

