Kinabukasan, nagpaalam ako agad kila Aling Marites na mawawala ako ng mga ilang araw. Nahihiya nga ako pero kailangan ko itong gawin. Mabuti na lang at pumayag siya kahit papaano. Maghahanap na lang daw muna siya ng ibang magluluto para sa karenderya. Namalengke na rin ako ng pagkain nila Lola ng para sa isang buwan. Hindi ko alam kung ilang linggo ang itatagal ko roon kaya nag-iwan na rin ako ng pera sa kanila. Mabuti na lang talaga at wala akong masyadong pinagkakagastusan, mayroon akong pera. “Sigurado ka na ba, Apo?” tanong ni Lola. Mababakas sa kanyang mukha ang labis na pag-aalala. Hindi ko naman siya masisisi dahil ito ang unang beses na aalis ako nang sobrang layo. Maging ako man ay nag-aalala sa aking pagbyahe. Tumango ako. “Opo, Lola. Mag-iingat po kayo ni Lolo habang wala a

