Noong magising ako ay nasa isang silid na ako. Mayroon na ring nakakabit sa kanang kamay ko na dextrose. Sa tingin ko ay nasa hospital ako, pero kakaiba kasi parang nasa isang mamahaling hotel lang ako. Napatingin ako sa isang pinto nang makarinig ako ng paglagaslas ng tubig. Maya-maya pa ay nagbukas iyon at iniluwa ang isang babae. Nanlaki ang mga mata nito nang makita niya akong nakamulat na. “Hey! You’re awake. Thanks, God,” aniya at naglakad papalapit sa akin. “How are you?” Pinilit kong ngumiti sa kanya. Ganito ba ang mga kababaihan dito? Sobrang kagaganda, pero pamilyar siya sa akin. Hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. “A-Ayos na po ako. Maraming Salamat po.” Bumuntonghininga ang babae. “Buti naman. Bagong salta ka sa Maynila, ‘no?” Tumango ako. Mayroon siyang kinuha mu

