Matapos kong malaman ang totoo ay agad naming pinasa ni Danilo sa husgado ang DNA test result na hawak namin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nalaman. Kaya pala ang lapit ni Danilo kay Sean, at kaya pala parang mas malapit pa sa kanya ang anak ko. Magtatay pala sila. Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Mula noong nalaman kong buntis ako ay nag-alala na ako sa bagay na mali naman pala. Pero kahit papaano ay napanatag na ako. Sa kanilang dalawa ay mas gugustuhin ko na si Danilo nga ang ama ng anak ko kaysa kay Arvin. Oo, minahal ko rin naman si Arvin, kung siya ang tatay ng anak ko ay tatanggapin ko pa rin. Mali ang pagmamahalan na pinagsaluhan namin, pero totoo lahat ng ipinakita ko sa kanya. Totoong minahal ko siya. Si Arvin, hindi siya na niniwala sa pape

