Napanganga ako sa aking na rinig. Nalilitong tiningnan ko si Danilo na gigil na gigil pa rin habang kinukwelyuhan si Arvin. Agad kong hinawakan si Danilo sa braso at hinila siya. Ganoon din ang ginawa ng guard na lumapit sa amin at pinaglayo silang dalawa. “A-Ano’ng ibig mong sabihin, Danilo?” nalilitong tanong ko sa kanya nang bitawan na niya si Arvin. Humugot ng malalim na paghinga si Danilo at tumingin sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang braso at biglang niyakap ng mahigpit. “D-Danilo?” tawag ko sa kanya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng kanyang dibdib. “Salamat, Eloisa. Salamat.” “Bitawan mo siya!” sigaw ni Arvin. Kumalas sa akin si Danilo at hinarap si Arvin. “Tigilan mo na si Eloisa, lalong lalo na ang anak namin.” Napanganga si Arvin. Pinagpalit-palit

