Tulala ako nang makauwi kami. Ipinipilit ni Arvin na kukuhain niya ang full custody ng aming anak. Hindi rin ako pumayag dahil lalabanan ko siya. Matapos ng mga ginawa niya sa akin ay hindi ako makapapayag. Sinabi pa niya na magsasampa siya ng kaso dahil si Danilo ang nilagay kong tatay ng anak namin kahit na hindi naman siya ang biological father. Doon ako medyo nag-aalala. Hindi ko kasi alam na hindi pala iyon pwede. “Paano ‘yon, Danilo? Paano kung kasuhan niya talaga tayo dahil ikaw ang nakalagay na tatay sa birth certificate ni Sean? Hindi kakayanin ng konsensya ko kung pati ikaw ay madadamay,” nag-aalalang sabi ko. Kasalukuyan kaming nasa silid. Si Sean ay na hihimbing na sa kama habang kami naman ni Danilo ay nasa sofa at magkatabing nakaupo. Hawak-hawak niya ang papel na binigay

