“A-Ano na ang gagawin natin?” nag-aalala kong tanong kay Danilo. Matapos ang tagpo sa restaurant ay umuwe na rin kami kaagad at tinapos ang kasiyahan. Nanghihinayang pa nga iba dahil hindi pa kami nagtatagal sa selebrasyon. Kaso hindi na ako naging panatag doon kaya pinilit ko nang makauwe. Nasa sala kami ngayon at pinag-uusapan ang nangyari. Habang si Sean ay na sa silid niya kasama si Ericka. Panay ang lakad ko pabalik-balik sa gilid habang kinakagat ang dulo ng aking hinlalaki. Hindi kasi ako mapalagay dahil sa nabasa ko. Tama ako, balak niya ngang kuhain sa akin si Sean. “Sabi ko na nga ba at mayroong kakaiba sa lalaking ‘yan eh,” ani Aling Marites. “Unang kita ko pa lang sa kanya.” “Ewan ko ba,” ani naman Lolo Tonio. “Kung hindi lang siya gustong-gusto ng apo ko noon ay hindi tal

