Makalipas ang ilang araw ay naging abala na kaming lahat para sa binyag ni Sean. Si Danilo na ang naging kasa-kasama ko sa pag-aasikaso niyon dahil sa pag-aalalang muli akong lalapitan ni Arvin. Bukod kay Sasha at sa ibang mga naging kaibigan ni Danilo sa eskwela niya ay wala na kaming ibang naging bisita sa binyag ni Sean. Tuwang-tuwa ako dahil ang tahimik lang ni Sean habang binubuhusan siya ng tubig sa ulo. Panay pa ang ngiti niya na para bang tuwang-tuwa sa ginagawa sa kanya. Matapos namin sa simbahan ay dumeretso kasi sa restaurant. Doon kasi na isipan ni Danilo na mag-celebrate ng binyag ni Sean, para raw kasama ang ibang mga empleyado. Pinatulog ko muna si Sean sa opisina ni Danilo, kasama niya roon si Lola dahil napapagod na raw siya. Pagkatapos ay bumaba muna ako para makisalo

