Isang linggong binurol si Nanay Sandra bago napagdesisyonan ni Danilo na ipalibing na ito. Isang linggo ring sarado ang karenderya dahil naging abala sila Aling Marites sa pag-aasikaso sa burol. Kaya naman ay tumulong na lang din ako sa kanila kahit na ayaw ni Danilo. Ni hindi niya ako tingnan kahit na naiiwan kaming dalawa sa burol. Medyo nahihirapan ako, hindi kasi ako sanay na ganito kaming dalawa. Daig ko pang nawalan ng kasintahan. Si Arvin, wala rin. Hindi ko siya gaanong makausap at hindi ko pa rin siya nakikita mula noong makabalik kami. Nag-iwan lang siya ng text na nasa Maynila raw siya kasi sinugod din sa hospital ang kanyang ina. Nag-aalala rin ako para sa kanya dahil ‘di rin maganda ang nangyari sa kanyang ina. Kaso hindi ko na siya muli pang na-contact. Kaya naman ay may ina

