Ilang araw din akong tulala at hindi makapag-pokus sa trabaho ko. Nahihiya na nga ako kay Aling Marites kasi maalat ang luto ko sa adobo noong nakaraang araw. Hindi kasi mawala sa isip ko ang ginawang pagtatapat sa akin ni Danilo. Sa tagal na naging magkaibigan kasi ay wala akong nahalata sa kanya. Akala ko kaya siya ganoon ay dahil nga sa matalik kaming magkaibigan. Mula rin noon ay hindi ko na nakausap pa si Danilo. Napunta naman siya sa karenderya pero madalang na lang. Tapos ay hindi na talaga ako kinakausap. Madalas pa sinasakto niya na wala na ako roon saka pupunta sa karenderya. Minsan dinadaanan ko rin siya sa bahay nila. Gusto ko siyang kausapin, pero sa tuwing nakikita ko siya ay bigla akong nawawalan ng tapang. Kasalukuyan akong nasa opisina ni Arvin. Nagpahatid na lang kasi

