Lumipas ang mga araw ay nanatili ako sa poder ni Danilo. Sobra akong natutuwa sa kung ano ang mayroon ngayon si Danilo. Kasalukuyan pala siyang nag-aaral ng Business Management habang nag-aasikaso ng mga negosyo ng kanyang ama. Mayroon pa lang negosyong mga restaurant ang kanyang ama at mga hotels. Tapos si Danilo ang nag-iisang anak nito kaya kinuha siya. Matagal na pa lang kinakausap ng tatay niya si Nanay Sandra, kaso galit si Nanay kaya hindi ito pumayag. Halos araw-araw ko rin tinatawagan sila Lola. Nagtatanong nga ang mga ito kung kailan ako uuwe. Hindi ko man gusto ay nagsisinungaling na lang ako sa kanila para hindi na sila mag-aalala pa. Si Arvin? Wala. Mula noong malaman ko ang tungkol sa asawa niya ay hindi ko na siya na kausap pa. Hindi naman na ako umaasa, pero sana ay pali

