Worried Friends

734 Words

CRIS POV Nandito kami ngayon sa dorm ni Sam kasama si King at sina Jake, Josh and Joseph. Hindi pa kasi nauwi si Sam sa mansion. Nag aalala na kami. Hinanap din namin sya sa loob ng academy pero hindi namin nakita. "Wala ba syang sinabi sayo kung san sya pupunta o ano?" Tanong ni Jake sakin. "Wala naman. Ilang araw na din kaming hindi nakakapag usap eh." "Aishh! Hayaan nyo na nga si Que— Sam. Alam nyo ng matigas ang ulo nun. Tsaka Malaki na yun no." Wika ni King. Binatukan ko naman. "Tumahimik ka na nga lang jan." "Joseph, nag reply ba si Sam sayo?" Tanong ko kay Joseph. "Ahh oo. Sabi nya papunta na sya." Wika nya kaya naka hinga ako ng maluwag. "Oh ayun naman pala eh— aww!" "Tumahimik ka pwede?!" Inis kong saad kay King kasi alam kong walang kwenta na naman ang sasabihin ng ungas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD