SAM'S POV After ng mga nangyari ay hindi muna ako umuwi sa mansion at dumiretso sa isang taong alam kong kaya akong pakalmahin. Galit na galit ako dahil malapit ko na sanang malaman ang lahat pero may humadlang! Bakit ba ayaw nilang malaman ko ang mga bagay na dapat kong malaman?! I'm so confused right now! Umupo na lang ako sa damuhan saka tinitigan ang pangalang naka ukit sa semento. "Gonzales..." Bulong ko saka tumingala sa madilim na kalangitan. Hindi ko akalaing iiyak ako sa harapan ni dad kaya mabilis kong pinunasan ito saka ngumiti ng mapait. "Hi dad. Kamusta ka na? Sorry kung medyo hindi na ako nakaka dalaw ah? Marami kasing gumugulo sa isip ko dad. Am I even a Gonzales? Am I even a part of it dad? Feeling ko kasi ang laki kong question mark. Parang may kulang sakin na hindi

