I'll never stop loving you 1
Sa edad na 18 maagang nagbanat ng sariling buto si Samantha para makatulong sa pangangailangan nilang magkakapatid.Hanggang High School lang syang nakayang pagaralin ng kanyang ina at sa tulong nadin ng ama at iba bang nagmamalasakit sa kanya.. Bata palang sila nang maghiwalay ang kanilang mga magulang,nagkaroon na din ang mga ito sari-sariling pamilya,kaya silang tatlong magkakapatid ay umaasa nalang sa kung sino ang makapag abot sa kanila.
Nang makapagtapos ng High School ay pansamantalang muna syang ipinasok ng kanyang tiyahin sa kanilang panganay na pinsan bilang kasambahay.Mataas ang pangarap sana ni samantha para sa sarili ngunit sa tingin nya ay hindi nya na ito maabot pa.
Sa edad na 18 ay maaga syang nagkanobyo dahil na din sa paghahanap ng kalinga at pagmamahal ng magulang.Si Art ay isang gwapo at mayaman ngunit nakita ni Samantha ang pagiging babaero na kanyang ikinaayaw."Alam ko nagpunta ka na naman sa ex mo" wika ni samantha,na ikinagulat naman ni Art "Hindi ako galing dun galing ako kala josh nagkayayaan lang na maginom,minsan lang naman kaya sumama na ako".Paulit-ulit lang ang dahilang ibinibigay sa kanya lagi ni Art.
Disperas ng bagong taon non ngunit di nya balak mag bagong taon sa kanila makikita nya lang ang demonyong mukha ng kanyang ama-amahan na minsan nang kanyang sinumpa,kaya minabuti nyang pumunta sa best friend nya sa kabilang bayan upang doon na din magpalipas ng sama ng loob.Pagbaba palang nya ng tricycle ay agad na syang sinalubong ng bestfriend nyang si Ana na halatang miss na miss na din sya."Esfreeen" tawag nito sa kanya,"Jusko namiss kita hahaha,ano ba payakap naman ng isa jan" agad naman nya itong tinugunan ng yakap."Namiss din kita esfren haha...kamusta na?"wika nya dito "eto maganda padin" sabay silang natawa sa sinabi nito at narinig nila ang boses ng mama nito na si tita Aileen "Sam,buti napagala ka namiss ka namin ,tagal mo din di nakadalaw dito..mahal andito si Sam ohh" niyakap sya nito at lumabas naman ang ama ni Ana na si tito John "aba Sam buti at dinalaw mo kami,sakto at marami kaming hinanda ngayong bagong taon" nagmano sya kay John "Opo ngayon lang po kasi ako nakapag off ulit kaya pumunta na din po ako dito...dito ko po sana balak mag new year" wika nya sa mga ito". "Oo naman,basta ikay nagpaalam sa mama mo?" tanong nito sa kanya tumango at ngumiti na lamang sya sa mga ito. Noon ay halos dito na sya tumira dahil dito nya nakita ang pagmamahal ng isang pamilya,naramdaman nya sa mga ito na may buong pamilya syang karamay.
Niyakag ni Samantha si Ana sa plaza katulad ng napagusapan nila sa txt na magdadate silang dalawa.Bumili sila ng street foods at masayang nagkwentuhan habang nakaupo nang dumating ang kasintahan nitong si Kiel.Agad naman sumimangot ang mukha ni Ana "hay naku ayan na naman sya ewan ko ba halos maghapon na kaming magkasama pero gusto nya lagi nalang kaming magkabuntot" halata mo ang pagkainis sa pananalita nito kaya napangiti nalang si Samantha sa tinuran nito. Nang makita sila ni Kiel ay agad tong lumapit "Di nyo man lang sinabi na pupunta pala kayo dito... umuwi lang ako saglit eii nakaalis kana agad ng bahay" turan ni kiel sa mga ito."Ayy pasensya na may usapan kasi kami ni esfren na magdadate kami pag uwi ko akala ko naman nasabi nya na sayo" sagot naman ni Samantha dito habang nakasimangot padin si Ana na walang balak kausapin ito.Agad naman niyaya ni Kiel si Ana at Sam sa bahay ng magulang nito na malapit lang din sa plaza na pinuntahan nila,habang tinatahak nila ang daan papunta sa bahay nito ay nagsalita si Ana "kung ako sayo esfren makipag break kana jan kay Art ang ganyang tao di yan dapat mahalin kita mo niloloko kalang,hayaan mo na sya ang dami naman jang iba" sumangayon namn si Kiel dito "Oo nga naman Sam bat ba pagaaksayahan mo ng panahon ang taong yun eii wala naman kwenta...maya may ipakikilala ako sayo diba Ana si Adam lagi din yun niloloko at napagiiwanan eii haha bagay nga kayo nun". "Oo nga Sam gwapo din yun hayaan mo na yang si Art hay naku"sang ayon naman ni Ana kay kiel habang si Sam ay wala padin kibo habang nagiisip sa sinabi ng dalawa na hiwalayan nya na si Art.Mahal nya sana si Art pero mas mahal naman nya ang sarili nya di naman sya ganun kamartir para saluhin lahat ng kagaguhang ginagawa nito sa kanya.
Nang makarating na sila sa bahay nila Kiel hiniram ni Kiel ang cellphone ni Sam at may itetext lang daw ito.Kaya pumasok muna sila ni Ana sa loob ng bahay nila Kiel,close ni Ana ang mga kapatid at magulang ni kiel tumulong sila sa pag aayos ng handa.Tinawag sila ni Kiel at may videoke daw sa labas,pinanood nila ang mga masasayang nagkakantahan at nagbibiruan na mga kamaganak ni kiel.Mga ilang oras din ang itinagal nila dito at nagyakag na si Ana na umuwi sa kanila dahil malapit na din magsimula ang count down para sa bagong taon.Pero bago pa sila makalabas ng subdivision at may nakasalubong sila na dalawang nakamotor at pare-prehas silang nagbusina ng paulit ulit.Nagulat nalang si Sam ng sabihin ni kiel na lumipat sya sa kabilang motor "sam lipat ka sa kabilang motor ang bigat nyo eii hahaha" biro ni kiel ,"huh??ako lilipat??san?bat ako?"natarantang sabi ni Samantha sa mga ito at nagtawanan naman sila sa sinabi nito "eii di naman kayo marunong magdrive ng esfren mo eii kaya ikaw ang lumipat di naman pede ako o kaya si Ana diba" biro muli ni kiel dito. Agad naman bumaba si Ana at nagtaka kung sang motor ba sya sasakay ngunit ang isa ay nasa malayo kaya mas pinili nya na umangkas sa mas malapit.
Habang tinatahak nila ang pauwi sa bahay nila Ana ay kinakausap sya ng lalaki na kanyang inangkasan "ako nga pala si Adam,ikaw anong pangalan mo?"sabi nito na may buong boses "Samantha,Sam for short" napatingin naman si Sam sa dalawa ni Ana at kiel na pasulyap sulyap at napapangiti habang nagdadrive habang si Samantha naman ay bahagyang napahiya.Di na muna nya pinansin ang mga ito hanggang sa nakarating sila sa bahay nila Ana. Ilang saglit pa ang mga itong namalagi at nasulyapan na din ni Sam ang mukha ng lalaki,matangkad ito at may matangos na ilong medyo moreno na halatang nasunog sa araw ang balat.Nang makaalis ang mga ito ay agad syang biniro at kinantyawan ng mga kapatid at magulang ni Ana.."Ano Sam pede na siguro noh?gwapo matangkad ano pa mabait pa yun ahh" biro ng mama ni Ana "kesa nga naman kay Art dun kana " biro naman ni Ana habang si Samantha eii napapatawa lang sa mga sinasabi ng mga ito.Pero naisip nya na gwapo nga ang lalaki at muka naman mabait kaya napapangiti din sya pag naaalala nya ito.
Adam Watts
POV
Di mapagkakaila ang kagandahan ni Samantha ka agad syang humanga dito ng makita sa liwanag ang mukha nito.Nang makaalis na sila at sabay sabay silang dahan dahan na nagpapaandar ng motor nagsalita si kiel "Ano Adam haha...mukang tinamaan ka kaagad ahh hahaha"biro ni kiel sa kanya na ngiti at hagalpak ng tawa ng kasama nilang si Andrew na isa din sa kanilang magbebestfriend."Animal ka talaga kiel haha"wika nya dito. "mamaya pumunta ulit kayo sa bahay babalik yung dalawa dun..para mas makilala mo pa si Sam haha yung pinang text ko nga pala number yun ni Sam hahaha...so alam mo na huh?" biro ni kiel muli dito na ikina iling nalang ni Adam.
Matapos ang count down at mga putukan at mga salo salo agad tinext ni kiel si Adam na susunduin nalang nila ang dalawa ni Sam at Ana sa bahay nito. Kaya nagmadali nadin umalis si Adam para magkita sila ni kiel sa may convinient store.Habang naghihintay naman si Ana at Sam sa dalawa ni kiel ay nagkwentuhan muna sila "alam mo sam seryoso ako iwan mo na si Art alam mo naman kung ano lang gusto nya sayo diba?hayaan mo na sya tutal palagi nyang binabalikan yung ex nyang mukhang impakta.di mo sya deserve,para sakin bagay kayo ni Adam mabait yang si Adam promise di ka namin ipakikilala sa kanya kung masama syang tao" wika sa kanya ni Ana na may ngiti sa labi " Mahal ko si Art pero kaya ko naman syang iwan pero ewan ko kung kaya ko magmahal agad ng ganun kabilis parang mas gusto kong maging single muna para iwas stress alam mo na busy pati ako sa work,balak ko ulit magbalik sa pagaaral habang nagtatrabaho para naman may maganda akong future." sagot naman ni sam dito "sabagay tama ka jan magfocus ma muna sa work at magaral kapa sayang din ang pagkakataon" sang-ayon naman ni Ana.Maya maya pa ay dumating na din ang dalawa na pina-ingay pa ang busina at ang motor lumapit na sila sa mga ito at dun muli pinasakay ni kiel si samantha kay Adam kaya napairap nalang sya sa mga ito na ikinahagalpak ng tawa naman ni Adam at Kiel.Sa pagkakataong ito ay kinakausap na sya ni Adam kung ano ano ang itinatanung nito sa kanya,sa sandaling iyon ay nakapanatagan nya ng loob si Adam at nakita nya kung paano ito rumespeto sa babae.Habang naiinom sila chineck nya ang cellphone nya nakita nya na napakaraming misscalled galing kay Art at txt galing sa tatay nya.."Anak happy new year ingat kayo jan mahal na mahal ko kayo". nireplayan nya naman ito "happy new year din sa inyo tay ingat din kayo jan iloveyou po" kahit na masama ang loob nya sa mga magulang ay pilit nyang iniwawaksi ang galit sa mga ito pilit nyang inuunawa ang mga nangyari ng nakaraan.Binuksan naman nya ang message galing kay Art "Asan kana di mo sinabi kung san ka magpupunta,pumunata ko sa inyo pero wala ka naman daw" sa halip na replayan ay mas pinili nyang itago ang kanyang cellphone dahil bago pa man sya makaalis kanina papunta kala Ana ay nakita nya itong paalis muli at siguradong papunta na naman sa ex nya,alam nya kung bat pabalik balik si Art sa ex nya dahil ibinibigay nito ang kaligayahan na di nya kayang ibigay . Nakatingin lang si Adam kay Samantha habang nagchecheck ito ng cellphone nito nakita nya ang lungkot sa mata nito kaya mas gusto nya pa itong mas makilala.
kinabukasan ay umuulan kaya di agad nakauwi si Samantha at Ana sa bahay ni Ana kaya buong maghapon silang nakahiga sa kwarto katabi si Ana."wala palang signal dito noh" tanung ni samantha "ayy oo depende yan sa network mo" sagot ni Ana. Lumabas saglit si Samantha para maghanap ng signal kahit umuulan ay nakakarelax padin ang tanawin sa dagat tanaw kasi sa bahay nila kiel ang dagat.Sandali syang napatigil ng may biglang pumasok na message sa cellphone nya "Sam anong oras ka uuwi bukas"-ate jean ang pinsan nyang kanyang pinapasukan. Muli nyang itinaas ang cellphone baka sakaling may pumasok pang message nang may mapansin syang tao sa may bintana napansin nya na nakatingin ito sa kanya,di nya napansin to kagabi kaya di nya namukaan.tumunov ulit ang cellphone at sunod sunod na message ang pumasok "hi!gising kana?"-unknown number..."bat di ka nagrereply?san kaba talaga nagpunta?"Art ....."ate,nasan ka??"-klea ...pinilit nha replayan pero ayaw na magsend ng txt nya dahil sa signal kaya minabuti nya nalang pumasok sa loob ng bahay nadatnan nyang nagaayos n ng hapag kainan kasama si Ana habang natatawanan habang nagkukwentuhan ang mga ito.Napabaling naman ang atensyon ng mga ito ng lumapit sya sabay ngiti at tukso ng ama ni kiel sa kanya "ang binata ko minsan lang magkagusto sa babae,napakapihikan na bata ako'y nagulat ng umamin na sya daw eii may gusto sayo"-tito rex nagtawanan naman ang nasa paligid sabay tukso nang mga ito ng may bigalng lumabas sa pintuan ng isang kwarto,sya yung lalaki na nakita ko kanina nsa may bintana sa isip naman ni sam. "ikaw ba eii pede kang ligawan ng anak ko??may boyfriend kana ba??kasi ako na mismo ang magsasabi sayo kais napakatorpe ng anak ko na yan"-tito rex nagtawanan muli ang nasa paligid at sumabat naman si kiel sa usapan "Naku pa may boyfriend na yan,yung kaibigan ko yung kasama namin kagabi"-ani ni kiel bahagya naman ako nagulat sa sinabi ni kiel pero nanatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanila. " ayy ganun ba??ayy kurt busted kana agad"-tito rex na ikinataw ang lahat pati si sama ay napatawa din sa sinabi nito. Habang kumakain naman ayy nagsalita si kiel "alam mo sam totoo yung sinabi ni papa na si kurt ay pihikan sa babae kaya nagulat kaming lahat ng biglang jmamin na may gusto sayo eii tahimik lang yan haha.."-kiel ..."mukang mas matanda pa ata ako sa kapatid mo eii haha tsaka wala na kong balak magboyfriend muna ulit saka na muna yang lovelife na yan.."- samantha.
Kinabukasan uuwi na si Samantha sa bahay ng pinsan nya na tinutuluyan nya kaya minabuti nya na dumaan muna sa bahay ng nanay nya.Inabutan nya ito ng panggastos at inayos ang mga gamit na dadalhin at umalis na din agad. Nareceive nya ang txt galing kay Adam "Pwede bang ako ang maghatid sayo?" at umoo naman sya dito...habang binabagtas nila ang daan ay dahan-dahan lang nito pinapaandar ang motor parang mas pinapatagal nito ang oras na magkasama sila "sabi ni kiel nanliligaw daw sayo yung kapatid nyang si kurt?". ."ahh yun ba??ewan ko sabi lang nung papa nya di ko naman nakausap yun,tsaka parang ang bata nya pa para sakin"- wika nito tumahimik na ito at nang makarating na sila ayy agad na syang nagpaalam sinabi naman nito na magtetext sya paguwi.