
Hindi inaasahan ni Maeve ang pagbagsak ng isang eroplano sa kanilang poblacion. Maraming nawalan ng buhay at marami ang nagdusa dahil sa isang iglap lang ay namatayan ng mahal sa buhay. Sa kabutihang palad, may isang nakaligtas sa lahat ng masamang pangyayari na iyon— ISANG LALAKI na niligtas ni Maeve. At dahil walang kamag-anak ang kumuha sa di kilalang lalaki ay kinupkop nila ito at tinuring na pamilya. Ngunit, sino nga ba talaga ang taong ito? Bakit hindi siya hinanap ng kaniyang pamilya? Saan ba talaga siya nanggaling at ano ang katauhan niya? Unti-unti itong inalam ni Maeve at hindi siya makapaniwala sa nalaman niya… hindi niya inaasahang hindi pala siya isang simpleng tao lamang.
