Chapter 24

1391 Words

Habang kumakain ay tahimik lang ako. Wala akong makapang salita, o kahit sagot para sa sinabing iyon ni Fabian. Wala rin ako sa sarili. Ni hindi ko na nga nasundan kung papaanong nandito na kami sa restaurant na sinasabi niya para sa dinner namin. Bawat subo ko ng pagkain ay mainam kong nginunguya. Mabagal ang galaw ko, samantala ay patapos na si Fabian sa kaniyang pagkain. Kahit hindi ko rin ito tingnan ay alam kong nakatingin siya sa akin. Kanina pa siya nakatitig sa akin, tila hinihintay din ang magiging reaksyon ko. Lalo tuloy akong nabahala at hindi ko na magawang ituloy pa ang kinakain. Madali akong uminom ng tubig. Nang matapos ay marahan kong pinunasan ang gilid ng labi gamit ang table napkin. "Tapos ka na? Hindi mo pa nauubos," pagpuna ni Fabian sa plato ko. "Busog na ako," si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD