Walang ibang namumutawi sa isip ko habang tumatakbo si Vrado at nararamdaman ko sa likod si Trino. Tumatama ang silahis ng hinog ng araw na para bang malapit na itong mamaalam. Hindi kaya kami gagabihin nito? Hindi kaya kami aabutan ng dilim? Paano kung mauunang umuwi sina Trivo at Tito Trio? Anong dahilan ang ibabato namin sa kanila? I haven’t warned myself about this for the past few days. Basta’t ang alam ko, masaya na ako basta’t magawa ko ang first goal ko— ang maging close kami ni Trino sa isa’t isa. Heto, nangyari naman. Mukhang naging kumportable naman siya sa akin. Ngunit bakit parang may nagbabago sa akin? Bakit sa puntong ito, may bumabagabag sa akin? The way I feel him reminds me a lot of Trivo. Napapaisip tuloy ako kung normal lang ba ito. I mean, Trivo has made me

