“Dahan-dahan…” mahina niyang sabi mula sa likod ko habang humahakbang kami sa bawat palapag ng hagdan. Kanina pa nagniningning sa mangha ang aking mga mata. Sino ba namang hindi mamamangha sa nakikita? Maliban sa hindi ko inaasahang ganito pala ang makikita ko rito, wala akong muwang na may igaganda pa pala ang tree house na ito. Parang mga bituing ninakaw sa langit ang mga lights. The shades of while and gold are so enchanting. Para akong itinakas sa reyalidad at dinala sa mundong tanging kami lang ang nakakakita. Talaga bang bawal puntahan ang lugar na ito dahil sa sinasabing sumpa? Sa halip na katakutan ang tagpuang ito, bakit lalo pa akong napamahal? “P-please watch your steps.” “Oo Trino, nag-iingat ako.” “Make it sure.” Praning din talaga ang lalaking ito dahil al

