“So ano nga?” Naka-alis na kami’t lahat-lahat sa dalampasigan ay hindi pa rin niya nasasagot ang tanong ko. Para bang iniiwasan niya ang tanong na iyon at lalo akong inaasar. Nakakainis lang. Hindi ko naman talaga siya type. At kung sakali ngang type, hindi ako maglalakas-loob na magtanong nito. Siyempre, bilang parte ng plano, kinakailangan ko talagang gawin ito. Alangan namang magtatanong lang ako para sa wala, ‘di ba? Kaya ang hirap nga ring maglakas-loob sa lalaking ito. Nasobrahan yata sa talino kaya ang mga simpleng tanong na dapat hanggang pagsagot lang ay binibigyan na niya ng malisya. “Sakay,” utos niya nang makabalik na kami nang tuluyan sa pwesto ni Vrado, nakakalas na ang lubid sa puno ng niyog at hawak-hawak na niya ito. Umiling ako. “Ayaw.” Pinili

