Chapter 26

2230 Words

Samu’t saring mga ala-ala ang bumaha sa isip ko habang nakatitig sa dalampasigan. Hindi ko inaasahang mangyayari iyon gayong ang focus ko lang naman ay ang ganda ng karagatang ito, wala ng iba.   Medyo mataas ang tirik ng araw. Wala ni anumang anino na nakapailalim sa amin ngunit ang simoy ng hanging nagmumula sa dagat ang siyang nag-aalis ng bisa sa init. I could feel the soft touch of the wind lurring my sanity. At kasabay nito ang hindi inaasahang pagdapo ng mga ala-ala habang katabi ko si Trino.   That time, I was six. Isang ingleserang walang alam sa kulturang pinoy dahil lumaki ako’t nagka-isip sa Scotland. Bagong bago ang lahat sa akin nang mapadpad dito sa Isla Capgahan. Ang lugar, ang mga tao, ang pamumuhay, ang pagkain… materyal man o hindi materyal, lubos akong nanibago.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD