Kung may isang bagay man akong lubos na ipinagpapasalamat ngayon, hindi ko maitatangging iyon ay ang makausap si Trino nang hindi inaasahan. For months, I haven’t seen him. Umabot na ng isang taong mahigit pero wala pa rin akong ideya kung saang lupalop siya napadpad. Ang alam ko lang ay nagawa siyang palayasin noon dahil sa inamin kay Tito. Kumusta na kaya siya? Ayos lang kaya siya? Pagkalapag ko ng cellphone sa lamesa, marahan kong inangat ang tingin kay Crisna. Tulala siya sa akin at walang kaemo-emosyon sa mukha. Iyon ay matapos niyang makita na hawak ko ang kaniyang phone kanina at halatang nangangamba siya nang dahil dito. “S-sino ang tumawag?” nauutal niyang tanong bago umupo. Lalong sumeryoso ang mukha ko at hindi na maipinta ang pagnanais na mas malaman ang tungkol sa kani

