Fear crossed my face. Kung magagawa ko pang indahin lahat ng emosyon ko kanina, ngayon ay parang binagsakan na ako ng langit at lupa. Kitang kita ko kung paano nagtagis ang bagang ni Tito habang nakatingin sa mga anak. At nang mailipat ang tingin sa akin, kapansin-pansin ang pagtatakang nababahiran din ng pag-aalala. Trivo suddenly laughed. Mabilis kong pinalis ang aking luha habang nag-aalburuto pa rin sa kaba. I can even hear the sound of crickets from afar in the midst of the silence. Magagawa pa kaya naming lampasan ang sitwasyong ito? Makakawala kaya kami ni Trino sa mabagsik at nakakatakot na balak ni Trivo? Wala akong nakikita sa mga mata nito kundi ang patuya at sarkastikong ngisi. “Dad. This is insane,” Trivo muttered as he crossed his arms. Sa puntong ito ay yumuko si Trino na

