Inilibot ako ni Kairo sa iba pang parte ng rancho nang naglalakad. Parehas naming hindi inalintana ang init na hatid ng tirik ng araw dahil bukod sa pinapayungan niya ako, panay din siya kwento ng kung ano-ano tungkol sa mga aktibidad sa ranchong ito. Pinilit kong mag-enjoy sa mga sandaling iyon. Pinilit kong damhin ang bawat segundong dumadaan habang lumilinga-linga sa paligid. But my mind’s too pre-occupied to do such thing. Patuloy na sumasagi sa isipan ko si Trino lalo na kung ano ang ginagawa niya sa sakay na kabayo.
It’s too harsh. Hindi tama. Kung paninindigan ko lang ang pagiging OA na ito, hindi ako magdadalawang-isip na kasuhan siya in line sa animal cruelty. Sa sigaw ng kabayo kanina sa hagupit niya, ramdam ko ang sakit nito, na para bang nagmamaka-awa ngunit wala ni sinuman ang nakakaunawa.
“Miss? Bakit?” Kairo asked when he noticed I stopped walking. Pabalik na kasi kami ngayon sa mansion matapos ang ilang minutong paglilibot sa rancho. Bumuntong-hininga ako at humagilap ng natitirang katinuan. Bahala na.
“Mauna ka na, Kairo. Dito na muna ako.”
Kumunot ang noo niya. “Huh? Bakit? Baka pagalitan ako ni Sir—”
“Akong bahala. Hindi ‘yan.”
“Sigurado ka?”
I smiled. “Oo. Kaya mauna ka na at magpahinga.”
Bago umalis, pilit niyang iniaabot sa akin ang payong na hindi ko naman tinanggap. Sumilong na lang ako sa matayog na puno ng acacia at pinagmasdan siyang maglaho sa direksyong tinatahak.
Namutawi ang katahimikan. Maliban sa pabalik-balik na tunog ng bumubulong na hangin, mga tunog lang ng nagbabagsakang dahon ang nangahas na magparinig. I laid my eyes at the site where Trino and his horse faded recently. Hihintayin ko siya rito at kakausapin.
He’s so cruel. Paano niya nagagawa iyon? Sabihin mang sanay na ang kabayo sa mga hampas niya, you cannot justify animal cruelty. Si Kairo na mismo ang nagsabi na galit siya at doon ibinubunton ang bigat ng nararamdaman. Ganoon ba siya kagalit na kahit isang inosenteng hayop ay nagagawa niyang idamay?
Hindi ako animal lover pero alam ko kung ano ang pinaglalaban ko. I’ve seen cruelty. Walang makakapagpabago ng isip ko.
Ilang minuto pa akong naghintay sa ilalim ng puno ng acacia, umaasa na sa ilan pang mga sandali ay maririnig ko ang malalakas na yapak ng kabayo at ng hampas ng lubid niyang hindi mapapantayan ang sakit. Pero dalawang oras mahigit na ang nakalilipas, wala pa ring dumarating. Tuluyan nang bumaba ang araw. Kulay kahel na ang kalangitan sa kanluran at nagsisimula na ang pag-aagawan ng dilim at liwanag.
I can’t believe that I am doing this. That I waited for two hours just to wait him come back. Ramdam na ramdam ko na ang pangangawit ng mga paa ko ngunit hindi pa rin siya nagpapakita.
Suddenly, I heard a deep tone from behind. I heard someone who huskily cleared his throat as if reminding me he’s standing at my back. Napalunok ako at nagdalawang-isip kung tatalikod ba upang malaman kung sino iyon. Si Trivo kaya? Imposible namang si Trino.
Sa unti-unti kong pagtalikod upang malaman kung sino iyon, ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata ko. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang aming mga mata. With his deep mysterious gaze, his hair is playfully disheveled. He’s still in his curduroy outfit that made him look like a cowboy. Ang kaibahan lang kanina, wala na siyang suot na hat. Animo’y nananantya sa paraan kung paano niya ako titigan.
“Trino…”
“Bakit nandito ka pa? Anong oras na,” he said in a manly tone. Napakurap-kurap ako lalo na sa paraan kung paano siya sumandal sa trunk ng puno. Hindi kalayuan ang distansya namin sa isa’t isa dahil kung tatantyahin ko iyon, nasa tatlong hakbang ang aming layo.
His face is emotionless, daig pa ang pinakamalamig na lugar na alam ko. Sadya bang ganito talaga siya? Umaahon tuloy ang kutob ko na tama ang first impression ko sa kaniya. Isang bad boy.
Really? Kung bad boy talaga siya, bakit sobrang decorated niya sa mga academic achievements? Hindi lang iyon basta-basta para sa tulad niyang nag-aaral sa isang prehistiryosong unibersidad. Talagang matalino siya at may disiplina.
“Lalamukin ka kung hindi ka pa papasok sa loob,” dagdag niya. I suddenly clenched my jaw because of frustration.
“Gaano katagal ka nang nakatayo diyan?” tanong ko.
He lazily answered. “Bakit mo pa ‘yan tinatanong?”
“Bakit hindi mo na lang sagutin ang tanong ko?”
“Paano kung ayaw ko?”
Umawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwala. Paano nagkaroon ng ganitong klaseng kuya si Trivo? Bastos na nga sa tatay, masahol pa ang turing sa hayop.
“Look, nagmukha akong tanga kakahintay sa’yo rito nang halos dalawang oras. Anong aasahan mo sa’kin? Aalis na lang na para bang nag-aksaya lang ng panahon?”
From what I said, I saw how his lips twitched. May kung anong namuo sa ekspresyon niya na kaagad naman niyang binawi. God! Why am I wasting my time for a man like this? Sarili ko lang ang pinapahirapan ko.
“Hinintay mo ako?” Mula sa pagkakasandal sa puno, umayos siya ng tayo. Ramdam na ramdam ko ang intensidad ng kaniyang kuryosidad at para bang naglaho ang pananantya sa kaniyang boses.
Humalukipkip ako at nilaliman ang pangungunot ng noo. “Oo, hinintay kita para pagsabihan sa ginagawa mo. Bakit mo ginaganon ang kabayo?”
“Anong ginaganon?”
“Kung tratuhin mo para punching bag. Tama bang doon mo ibunton ang galit mo? Paano kung mapuruhan ‘yon?”
Nainis ako nang bigla kong marinig ang mahina niyang hagikhik. Gustong mag-usok ng ilong at tenga ko dahil sa sukdulang sama ng ugali niya. Humahagikhik siya na para bang baliw ako sa sinabi ko, nakakainis.
“You know nothing, silly girl.”
“Kung ikaw ang kabayo at ako ang manghahampas sa’yo nang ganoon kalakas, anong mararamdaman mo?”
He smirked. “Then try me.”
Nalaglag ang panga ako. What the heck?
“Nababaliw ka na…”
From the sudden rise of his lip, his face returned stoic, na para bang ganoon lang sa kaniya kadali magpalit ng ekspresyon.
“Baka nag-aalala na ang fiance mo, umuwi ka na.”
“Hindi ako uuwi hangga’t hindi ka nangangako na hindi mo na ‘yon uulitin sa kabayo.”
He shrugged. Sa halip na makipagtalo siya sa akin ay wala siyang sabi-sabing tumalikod at naglakad patungo sa pathway ng mansion.
“H-hoy! Kinakausap pa kita Trino Trivino!”
Humakbang ako nang mabilis para maabutan siya. Hindi pa naman siya gaanong nakakalayo kaya naabutan ko agad. Natigilan na lang ako nang mahawakan ang kaniyang braso. May kung ano akong sensasyon na naramdaman at hindi ko maipaliwanag kung ano.
Ramdam ko ang mumunti niyang balahibo sa palad ko. Nakahinto sya at nakatingin nang diretso sa akin. Para akong na-estatwa na nakatayo sa kaniyang gilid dahil mula sa pagiging marahas, kagyat akong nanahimik.
“You screamed my full name. Seryoso ka ba talaga sa pinaglalaban mo, Carrie Dalisay?”
Napalunok ako at mabilis na binitawan ang kaniyang braso. Sa puntong iyon ay bumagsak ang kaniyang kamay at buong lakas akong tumingala.
“Anong tingin mo sa’kin, nagbibiro?”
“Alaga ko ang mga kabayong sinasakyan ko kaya alam ko kung anong nakasasama—”
“Hindi mo ba naririnig kanina ang hiyaw n’on sa bawat hampas mo?”
“That’s part of their training—”
“Kahit na!”
“Anong gusto mong gawin ko, kung ganon?”
“Please be gentle!”
Namayani ang katahimikan. Doon ako nagkaroon ng pagkakataon upang pansinin ang unti-unting pagdilim ng paligid. Parang kanina lang ay nasisilaw ako sa liwanag kaya bakit ang bilis-bilis ng oras?
“You want me to be gentle to those horses?” He tilted his head and darted his eyes more. “I won’t enjoy if I treat them gently.”
“Sadista ka yata talaga.”
“That’s how I treat horses. Kaya pasalamat ka dahil hindi ka kabayo.”
Kagat-labi kong tinampal ang kalamnan ng braso niya saka siya pinandilatan ng mata. I heard him chuckled like a kid playing for his toy. Napairap ako sa kawalan.
“Hindi ka nakakatawa.”
“I’m not a clown.”
“Pwede ba? Pumayag ka na lang kasi. Kahit ayusin mo lang ang trato mo sa mga alaga mo, masaya na ako.”
“Nope.”
Nagpatuloy siya sa paglalakad. Sa inis ko at pagod ay napasuko na lang ako.
Hindi siya kapani-paniwala. Tamang sabihin na napakatalino niya dahil sa narating sa buhay pero kung ganiyan katigas ang ulo? Huwag na lang. Hindi mapipilit ang taong sarado ang isip. Kung kay Tito Trio nga ay hindi nakikinig, sa akin pa kaya?
Quarter to six nang marating ko ang loob ng mansion nang nakasimangot. As usual, maliban sa ganda ng interior nito, talagang agaw pansin ang mga katulong na para bang hindi nagpapahinga sa ginagawa. Siguro busy para sa hapunan.
Nang marating ang kwarto, kaagad kong hinubad ang sapatos. Nagpalit din ako ng damit matapos maghilamos. Umupo ako sa sofa habang naghihintay kay Trivo. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?
He told me yesterday that he’ll tell me about the whole plan this evening. Ang malinaw pa lang kasi sa akin ay ginawa niya akong fake fiancee para makaiwas sa isang arranged marriage. Pumayag na agad ako dahil kailangan. Saktong sakto dahil katatapos lang ng second sem at mahaba-haba ang bakasyon.
Huminga ako nang malalim at dinama ang bigat ng pag-iisa. Inaasahan ko nang mararamdaman ko ito pero bakit ang bigat-bigat? Iisipin ko pa lang na hindi rin magtatagal ito, para na akong binibiyak sa dalawa. Everything is just pretending. Everything is only temporary. His kiss, his smile, his embrace... his fake intimacy.
Tangang tanga ako para lang maisalba siya.
His plea is crystal clear. Sariwa pa sa akin kung paano siya nakiusap para lang pumayag ako rito. Matitiis ko ba siya gayong matagal ko na siyang mahal? Kahit inilayo ko na noon ang sarili sa kaniya, alam kong hindi ko iyon kaya.
“I need your help Carrie… I need you.”
Umigting ang panga ko.
“Umayos ka Trivo, marami ang nakakakita sa’tin—”
“I’m serious. Can you please listen to me first?”
Suminghal ako. “Bakit? Noong ako ang pilit na lumalapit sa’yo, pinakinggan mo ba ako?”
Umawang ang bibig niya at hindi nakapagsalita. Na para bang sa kahit na anong segundo ay aalis na siya dahil sa tinuran ko. But who cares? Sabihin man na mahal ko siya, unti-unti ko na napagtanto kung gaano ako katanga. Na kahit sa anong desisyon ko ay naroon siya, hindi mawawala.
Nang hindi siya makasagot. Pilit akong humarap sa dorm at akmang hahakbang. Ngunit sa bilis niya ay hindi ko na iyon nagawa. Hinuli niya ang palapulsuhan ko saka ako iniharap sa kaniya.
“J-just please… nagmamaka-awa ako Carrie.”
His voice is trembling, isang bagay na ngayon ko lamang nasaksihan sa kaniya. I was so desperate for his attention ngunit bakit ngayong umiiwas na ako ay saka siya lalapit nang ganito?
Nahabag ako. His mess is gradually killing my remaining sanity. Ilang beses ko bang ipaaalala sa sarili na tanging si Ada lang ang mamahalin niya? Ilang beses ko bang isasaisip na kahit kailan, wala na akong pag-asa? Because that’s what he told me, na kahit ano pang gawin ko ay hindi niya ako magugustuhan.
Isang pagkakataon ang pinahintulutan ko. Naglaan ako ng oras upang pakinggan kung anong problema niya. Hindi man makapaniwala dahil nasa loob na kami ng kotse niya, pinilit kong panatilihin ang natitirang galit sa sistema. Dahil kung hahayaan ko na namang mawala iyon, maisusuko ko ang sarili nang wala sa oras.
“Ikakasal ako.”
Nagpanting ang pandinig ko. Ang kaninang inis at panibugho ay biglang naglaho.
“A-ano?” nauutal kong tanong at tumingin sa kaniya. Diretso lang ang tingin niya sa harapan habang ang mga braso ay nakapatong sa manibela.
“You heard it right. I am bound to marry a girl just for business matters.”
Para akong niyurakan ng puso dahil higit pa ito nang sabihin niya mismo na ayaw niya sa akin. Seeing him loving my bestfriend already kills me, ito pa kayang ikakasal na siya at itatali sa babaeng walang kasiguraduhan kung gusto siya?
“Alam kong ayaw mo rin itong mangyari, Carrie kaya please, kailangan ko ng tulong mo.”
Kumunot ang noo ko nang ibaling niya ang tingin sa akin. Sa puntong iyon, nakita ko ang mas matinding pag-aalala sa kaniyang mga mata. Kahit sa paningin ko pa lang, damang dama ko ang determinasyon niya upang mapigilan ito.
“Paano ako makakatulong?”
Inalis niya ang pagkakapatong ng kamay sa manibela saka hinuli ang dalawa kong kamay. Hinawakan niya iyon nang may pag-iingat kaya napayuko ako upang titigan.
“Will you be my fake fiancee? You don’t have to worry, sandali lang ito. Sandaling sandali lang.”
“Fake fiancee?”
Hindi pa ako nakaririnig ng ganito, ni hindi pa ako nakaka-encounter na sumailalim sa ganitong set-up. Pero sino nga bang aamin gayong hindi ito tama?
“It’s part of my plan to kill that arrange marriage. Kaya kung papayag ka, sobrang laki na ng pasasalamat ko at utang na loob sa’yo.”
Sunod-sunod akong lumunok at pumikit nang mariin.
“Sige, payag ako,” sagot ko nang idilat ang mga mata. Sa puntong iyon ay namataan ko ang unti-unti niyang pagngiti at hinila ako nang walang sabi-sabi upang gawaran ng mahigpit na yakap.