Naka-angkla ang kamay ko sa matipunong braso ni Trivo kaya kahit papano’y naiibsan ang kabang hindi yata ako titigilan. I’ve been overthinking about this encounter. Dahil paano kung hindi maganda ang kalalabasan? Paano kung unang araw pa lang ay palpak na?
There’s hope within me that Tito Trio will happily accept me as a fiancee of his son. Ngunit kung si Trino ang pag-uusapan, naroon ang pangamba ko na baka may sabihin siyang hindi maganda. Hindi raw maganda ang ugnayan nila ni Trivo dahil sa nakaraan. Kung may umaalab ngang alitan sa pagitan nila, umaasa ako na sana hindi nila idamay ang sitwasyon ngayon.
While walking in a slow manner, the maids seemed so busy in the dining. Kahit patungo pa lang kami roon, kitang kita ko na si Tito Trio na pormal sa kaniyang black long sleeves at halatang kagagaling lang sa lakad. Nakaupo siya sa kabisera samantalang si Trino naman ay hindi kalayuan sa kaniyang kaliwa. Tila ilang sila sa isa’t isa at ni minsan ay hindi man lang nagkakatinginan.
Trino accidentally laid his stoic eyes upon us. Kahit nagtama na ang aming mga mata ay wala pa ring nagbago sa kaniyang emosyon. Sa unang tingin ay parang may galit siya sa mundo, walang pakialam sa paligid at sa kung sino ang nakapaligid sa kaniya.
Ganoon ba talaga siya? I mean, kung ikukumpara ko sa dating bersyon ni Trivo, makikinita ang layo ng kanilang personalidad. Hindi naman siguro siya nakaranas ng heartbreak na naranasan ni Trivo ‘di ba? O baka sadyang ganoon na talaga siya mula pa noong bata?
Anuman ang ipakita niya, mananatili pa rin siyang misteryoso sa akin.
“Good noon Dad,” Trivo respectfully uttured as he guided me beside his father. Nang humarap sa amin si Tito Trio, naroon ang pilit na ngiti na para bang pinipilit niyang maging masaya para sa anak.
“Good morning po,” habol ko, kinakabahan.
Gusto ko magmura nang pagkalakas-lakas. Ilang beses ko ba itong inensayo sa harap ng salamin? Paulit-ulit na akong nagmukhang tanga kakasalita mag-isa para lang ma-perfect itong sasabihin ko ngunit ayaw pa ring ma-build-up ng confidence ko. Hanggang ngayon ay namumutawi pa rin sa akin ang takot at kinakabahan ako na baka maka-apekto ito sa kung ano pa ang mga sasabihin ko.
“Good morning. Just have a seat first.”
Trivo nodded and guided me once again to sit right in front of Trino. Sa maingat at unti-unti kong pag-upo, palihim ko siyang tiningnan. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita ang seryoso niyang paninitig sa amin.
Iwinaksi ko lang iyon kahit pilit na gumugulo sa isipan. Nang makaupo na ako ay siya namang pag-upo rin ni Trivo sa tabi ko. I really hate this kind of position. Sinong hindi maiilang kung nasa tapat namin si Trino at nasa kaliwa ko naman si Tito Trio? Bagaman nasa kanan ko si Trivo, hindi nito na maaalis ang katotohanan na hindi ako kumportable sa paraan kung paano tumingin si Trino. There is something in him that I greatly need to get used to. Paano kung araw-araw ganito ang senaryo? Edi ako rin ang mahihirapan.
Sabay-sabay na lumapit sa amin ang apat na unipormadong mga katulong. Tahimik nilang inayos ang pagkakahilera ng mga kubyertos sa aming tapat. Halos malula ako sa dami ng mga pagkain sa hapag. Kaya ba nila itong kainin sa isang kainan o sadyang ito lang ang nakasanayan?
Walang short prayer na naganap. Diretso kain na agad ang tatlo sa mahinahong paraan. Pinulot ko naman ang kutsara’t tinidor at nagsimula nang maghimay ng ulam sa plato ko.
“Care to explain everything? Trivo?” mahina ngunit may awtoridad sa boses ni Tito Trio. Pinakiramdaman ko naman ang fake fiance ko sa gilid at pinakinggang maigi kung ano ang kaniyang sagot.
“We’re engaged, Dad.”
“Is it true? And by the way, what’s your name iha?”
Muntik na akong mabulunan, mabuti na lang ay agad ko namang napigilan. Goodness! Bakit ang bastos ko? Bakit hindi man lang ako ang nag-initiate na magpakilala?
“I apologize for the late introduction, Tito. I’m Carrie Dalisay, daughter of Carreon and Zhara Dalisay.”
“Really? Then I assume you came from a prosperous family.”
I nodded.
“Ano bang pinagkaka-abalahan ng dad mo?”
“Freelance writer po.”
“I’m expecting to hear that he managed Zhara’s businesses. Anong nangyari, binitawan?”
“Sa pagkakaalam ko po pinaubaya iyon ni Dad sa ibang kapatid ni Mommy.”
“Talaga ngang sinunod niya ang passion niya.”
Bigla akong na-intriga roon. May posibilidad kaya na dati na silang magkakilala ni Daddy? We live in the same island, dahilan kung bakit iniisip kong hindi iyon imposible. Ang hinihiling ko lang ay sana, wala namang natatagong alitan sa pagitan nila.
Kung sabagay, wala naman talagang katotohanan ang engagement na ito. Darating din ang araw na matatapos ang lahat. Walang magaganap na kasal. Iba ang makakasama niya sa altar.
“Anyway, kilala mo na si Trino?”
Dahan-dahan kong inilipat ang tingin kay Trino na ngayon ay abala sa pagkain. With his casual v-neck and plain white shirt, masisipat na para bang siya lang ang nakapambahay dahil nababagayan pa rin iyon ng basketball jersey shorts na kanina’y nakita ko na. I wonder if he’s okay and doing well. Dahil sa sobrang tahimik niya, hindi ko mapigilang isipin na maaaring may pinagdadaanan ito o dinadamdam.
“Medyo po. Kanina ko lang din po kasi nalaman na may kuya pala si Trivo.”
Biglang binaling ni Tito Trio ang pansin sa panganay na anak. Trino stopped from chewing and drunk the glass of water.
“Aalis na ako,” malamig nitong sabi matapos uminom ng tubig. Bahagyang namilog ang mga mata ko sa kung ano ang kaniyang tinuran.
“Trino. Please dress up your manner. Hindi kita tinuruan ng ganyan.”
“Nag-usap na kami kanina, Dad. Kilala niya ako.”
“Just—”
Hindi na natuloy pa ni Tito Trio ang sinasabi nang bigla na lang tumayo si Trino at umalis na para bang walang pakialam kung sino man ang naririnig. Samantala, prente lang at tahimik na nakatayo ang mga katulong sa gilid at para bang sanay na sila sa kung ano ang aking nasaksihan.
Maybe I could ask them later. Gusto ko talagang malaman kung sino at ano si Trino sa pamamahay na ito at kung ganoon ba talaga siya makitungo. He seemed so bitter. Sa unang matyag, hindi maiiwasang isipin na siya iyong tipo na hindi naging maganda ang trato ng mundo sa kaniya.
“Pagpasensyahan mo na. Matigas lang talaga ang ulo ng taong ‘yon.” Nagpatuloy si Tito Trio sa pagkain. Ganon din si Trivo na para bang walang nakita.
Are they tolerating this? Paano kung may pinagdadaanan na pala ang tao at wala silang kamuwang-muwang dito? Aminin kong concern ako dahil bihira lang sa mga lalaki ang naglalahad ng mga problema.
I continued eating. Kung ano-ano pa ang tinanong ni Tito Trio sa akin at agad ko namang nasasagot. May tungkol sa sarili, sa nakaraan, sa pag-aaral, at sa angkan. I never would have thought that I’d get to survive this situation. Parang kailan lang noong todo pa ang pag-aalala ko’t pangamba sa harap ng salamin ngunit kalaunan ay nalagpasan ko rin.
I dressed myself with a new set of clothes. Nagpalit ako ng crop top at high waisted jeans kahit na rito lang naman kami sa ari-arian ng Trivino. Mag-isa akong nagpahinga rito sa kwarto sa loob ng maraming oras habang si Trivo naman ay nasa labas, tumutulong sa kanilang business matters. Nang sumapit ang alas tres ng hapon, saka ko napagpasyahang bumangon ng kama at sinuot ang white rubber shoes.
After I tied my hair in a high ponytail, saka na ako lumabas. I still can’t believe how huge this mansion is. Oo, masasabing mansion din ang tinitirahan namin ngunit ibang lebel talaga ang yaman ng mga Trivino. Ni hindi ko nga alam kung nangangalahati ang angkan namin, siguro.
Nagsusumigaw sa karangyaan ang buong paligid nang humakbang na ako sa staircase. The chandeliers are shimmering, nagko-compliment sa gold theme ng interior na animo’y inspired sa isang marangyang kaharian. Ilang taon na kaya ang bahay na ito? Wala na akong masasabi dahil kahit sino pa ang makasasaksi nito, walang hindi mamamangha.
“Magandang hapon, miss. May maitutulong po ba ako?” tanong ng katulong na kanina ay kumausap sa akin. Siya iyong nanay ni Kairo na hindi maitatangging mabait.
“Si Kairo po? Magpapasama lang po sana.”
Bahagyang namilog ang kaniyang mata. “O sige, tatawagin ko lang. Maupo po muna kayo.”
“Sige lang po, maghihintay ako,” tugon ko. Pagka-alis niya sa harap ko ay muli akong napalinga-linga sa paligid.
Naningkit ang mga mata ko nang makita ang isang frame na nakadikit sa may kataasang parte ng dingding. Humakbang ako upang mas makita ito nang malapitan at ganoon na lang ang pag-ahon ng interes ko nang malamang graduation picture iyon ni Trino.
In that picture, he’s wearing sablay. Alam ko na agad na sa isang prehistiryosong unibersidad siya nag-aral kung saan iyon ang school na hindi ko naipasa ang exam. Siguro ganoon siya katalino upang makapasok at maka-graduate doon. Anong kurso kaya ang tinapos niya? Pangangabayo at pag-aalaga lang kaya ng kabayo ang ginagawa niya rito?
“Miss.”
Natauhan ako nang marinig sa gilid ko ang boses ni Kairo. Nang lumingon sa kaniya, nakita kong nakatingala na rin siya sa larawan ni Trino. Kumpara sa kaninang kamisa de tsino ay mas disente siya ngayon sa suot na denim pants at plain shirt. Mababanaag ang pagkamangha sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa frame.
“Kung hindi mo naitatanong, masasabi talagang matalino ‘yang si Sir Trino. Hanga ako riyan eh.”
Nagsimula na kaming maglakad palabas. Sumalubong ang medyo malamig na hagibis ng hangin at ang makulimlim na kondisyon ng paligid.
“Anong nalalaman mo kay Trino?” tanong ko habang diretso ang tingin sa daanan. Agad naman siyang sumagot habang iginigiya ako sa direksyon kung saan kami pupunta. Siguro iyong nanay na niya ang nagsabi na ilibot ako. Ano pa nga bang ibang sadya ko maliban doon?
“Decorated achiever daw ‘yon noong high school at college. Grumaduate bilang summa c*m laude at nag-top sa licensure exam.”
“Alam mo kung anong kurso niya?”
“Iyon ang ‘di ko alam. ‘Yon lang kasi ang sinabi sa’kin ni Mama.”
Kung sabagay, isang taon pa lang pala siya rito.
“Pwede bang matanong kung ano ang pagkakakilala mo kay Trino?”
Saglit siyang nanahimik upang hawiin ang dahon ng mga pandak na halaman na nakaharang sa dinadaanan. Sa paglagpas namin dito, saka ko namataan ang bungad ng rancho na muli na namang nagdulot ng kung anong mangha sa dibdib ko.
Nang makatabi na siya sa gilid ko ay saka siya nagsalita.
“Si Sir Trino? Sakto lang. Hindi lang siya close sa mga tulad naming nagtatrabaho sa kanila pero mabait naman. Walang madaming utos.”
“Hindi niya kayo sinusungitan?”
“Kung may nagsusungit man sa amin, si Sir Trivo ‘yon.”
Napalunok ako. See? Ganoon ang epekto ng isang Adalyn sa isang Trivino. Noon ang bait-bait naman nito, ngayon ay nagbago na sa kahit na kanino.
Nagpatuloy kami sa pagtahak sa mabatong pathway na maghahatid sa amin sa hindi kalayuang bungad ng rancho. Naroon ang pananabik ko na mas makita pa ang ganda nito dahil hindi gaya kanina, hindi na sandals ang suot ng paa ko. Mas kumportable na rin ako sa suot ko at sadyang nababagay sa paglilibot dito.
“Kung ikukumpara mo ang dalawang kapatid, sa paanong paraan mo sila pagkukumparahin?”
“Kung sa ugali, mas boto ako noon kay Sir Trivo dahil dati ko nang nakasalumuha ‘yon. Naintindihan ko naman dahil brokenhearted, masyado lang naging apektado. Ngayon, mukhang mas okay na para sa’kin si Sir Trino. Pero depende siguro. Maaaring sa’kin maayos makitungo pero kung pagdating sa’yo, iyon ang ‘di ko alam.”
Napatango-tango ako. May punto sya. Pwedeng mas maayos ang turing sa kaniya kaysa sa akin.
Nang marating ang bungad ng rancho, halos mabingi ako sa ingay na bigla na lang nilikha ng isang kabayong tumatakbo palapit dito. Kasabay nito ay nanikit ang mga mata ko lalo’t ang kaninang makulimlim na langit ay sininagan na ng mataas na tirik na araw.
Napakapit ako kay Kairo nang hindi inaasahan. Ganoon ba talaga karahas mangabayo itong si Trino? Baka masyado nang nasasaktan ang kabayo sa hampas ng lubid niya kaya mabilis ang takbo nito at malakas ang hiyaw! He’s also wearing his cowboy hat and he really resembled that cowboy look in his curduroy outfit.
Naghuhumiyaw sa awtoridad ang lalim ng kaniyang tingin nang magtama ang mga mata namin, na siya ring naglaho nang lumiko ang kabayo at tumalikod mula sa kinatatayuan namin. I could sense his deep anger. Sa wari ko’y ibinabaling niya iyon sa kaniyang pangangabayo.
“Galit si Sir, huwag na nating pansinin,” bulong sa akin ni Kairo habang nakatitig sa mabilis at pahiyaw na takbo ng kabayo. Kawawa naman.
“Iyan ba ang senyales kapag galit siya? Ibinubunton sa kabayo?”
“Ganyan talaga siya.”
“Pero hindi tama. Paano 'pag napuruhan ang kabayo sa ginagawa niya?” naiinis kong protesta at sumimangot sa direksyon kung saan naglaho si Trino. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi upang hagilapin ang natitirang timpi.