“Hanggang saan ka niya dinala?” Trivo asked when we finally got home. Pilit ko mang pinapanatili ang pagiging kalmante ng sistema ko, hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Nakatayo na ako ngayon sa veranda kasama siya at mukhang mas naging abala pa ang mga katulong sa loob dahil naroon na si Don Trio.
“Doon lang sa bungad ng rancho.”
He slouched. “Hindi kayo dumiretso?”
“Saan?”
“Sa gawing dulo.”
Umiling ako. “Ang bilin kasi kay Kairo hanggang doon lang.”
“I see.”
Humakbang siya palapit sa akin saka kinuha ang sandals na kanina pa hawak ng kamay ko. Bigla siyang lumuhod at maingat na inangat ang paa ko. Sumunod na lang ako sa nais niyang gawin.
This view from above while he’s kneeling… ito ang hindi nangyari ni minsan sa buong buhay ko. Na kahit magkaibigan ang turingan namin noon, wala siyang babaeng pinakitaan ng labis na pagpapahalaga maliban kay Ada. Partidang hindi pa ako umaamin noon sa kaniya. Saka lang niya nalaman na gusto ko siya nang magawa ko siyang sundan noong freshman pa lang ako sa kolehiyo.
Tandang tanda ko pa ang araw na iyon dahil kahit ako ay hindi makapaniwala sa ginawa. He’s too stoic to interact with, too numb to make him smile even I am doing my very best to make him happy.
Marahan kong kinatok ang pinto ng kaniyang condo. Ni hindi ako sure kung kaniya ba ang unit na ito dahil ni minsan ay hindi ko pa nakukumpirma. Nasundan ko lang kasi siya noong ikalawang araw ko rito sa Santa Mesa.
This time, kung mabubuksan nga ang pinto na ito at hindi siya ang bubungad, eh ‘di ako na mismo ang gagawa ng paraan upang tanungin siya kung saan siya nakatira. Nahihiya kasi ako lumapit nang basta-basta. Na kahit nakapag-ipon na ako ng lakas, sa isang iglap ay bigla lang guguho.
Sa kabilang kamay ko ay may bitbit akong box ng cake na sinadya ko talaga sa isang mamahaling bakeshop. Ano kaya ang ginagawa niya at bakit ang tagal niyang buksan ang pinto? Busy kaya siya sa mga plates niya?
Sa muli kong subok upang katukin ang pinto, biglang umawang ang bibig ko nang mabuksan na ito. Unti-unting bumungad ang matangkad na pangangatawan ni Trivo na matipuno sa suot na gray sando. Naka-jersey shorts siya at kapansin-pansin ang lapis na naka-ipit sa itaas ng kaniyang tenga.
Napatiim-bagang ako nang binuksan niya nang malawak ang pinto. Lalong tumahip ang dibdib ko dahil harap-harapan ko na siyang nakikita ngayon.
“H-hello…” nanginginig kong bati nang nakatingala sa kaniya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakakapit sa taling nakakabit sa box ng cake dahil umaalburuto na sa hindi maunawaang pintig ang t***k ng puso.
“Ikaw pala Carrie. Tara.”
Umaliwalas ang mukha ko dahil sa malugod niyang pagtanggap sa akin. Nauna na siyang humakbang pailoob kaya ako na mismo ang nagsarado ng pinto.
“Huwag mo na hubarin ang footwear mo. Ayos lang ‘yan,” aniya. Nasa pantry na siya ngayon at abala na sa pagtitimpla ng kape. Hindi ko naman maiwasang luminga dahil hindi ganito ang itsura ng condo na inaasahan ko. Let’s admit it. Mayaman siya. Mas afford pa niya ‘yong mas elegante rito. It’s as if he’s living a simple life away from his elegant life in Isla Capgahan, animo’y sanay kahit hindi maluho ang buhay-estudyante rito sa Manila.
A lot have questioned why I decided to study here in the Philippines when I could do it abroad. Noong una, nakita ko rin namang maganda ang alok ng mga magulang ko na roon mag-aral. Taliwas sa desisyon ko ang nais nila dahil wala sa plano nila na pag-aralin ako sa isang polytechnic university. Kaso mapilit talaga ako. Kung saan ang school ni Trivo, roon din ako.
Oo. Napilitan akong mag-aral dito dahil sa lalaking mahal ko. Hindi lang para masundan siya kundi tuparin ang pangako ko sa sarili na hindi ako titigil hangga’t hindi siya nagiging akin. Sabihin mang hibang na ako upang gawin ito, iyon talaga ang sinisigaw ng puso ko. Aanhin ko ang pag-aaral sa abroad kung alam ko naman sa sarili na hindi ako masaya? Liban sa wala akong ganda, iisipin kong nagsasayang lang ako ng oras.
Sa madaling salita, wala akong motibasyon.
Namataan ko ang study table niya at nakita ang sandamakmak na cartolina, ruler, libro, at lapis na naghahalo-halo sa ibabaw. Nagka-cram kaya siya? Mukhang marami siyang ginagawa tapos pumunta pa ako rito.
“Na-istorbo ba kita?” tanong ko nang makaupo sa dining area. Kasabay ng pagpatong ko ng box sa hapag, nilahad naman niya sa harap ko ang isang tasa ng kape.
Pagkaupo niya sa tapat ko ay saka siya sumagot.
“Hindi. Ayos lang. Sakto nga ang dating mo dahil break time ko naman.”
“Para sa’yo nga pala.” Tinulak ko ang box ng cake. Binaba niya ang tingin doon at matagal na tinitigan. May pilit na ngiting umangat sa kaniyang labi. Para saan kaya iyon?
“Salamat dito. Nag-abala ka pa.”
“Walang anuman. Ikaw pa ba…”
“Kailan ka pa napunta rito sa Santa Mesa at… paano mo nalaman ‘tong condo unit ko?”
Should I tell him? Sasabihin ko bang hindi ko lang siya isang beses na sinundan? Paniguradong mawi-wirduhan siya kung sasabihin ko ‘yon.
“Uh, may nakapagsabi sa’kin.”
“Sino? Si Dash?”
Nagkibit-balikat ako. Ayokong kumpirmahin dahil baka tumanggi iyon kapag siya ang tinanong.
Nang mapansin niyang wala na akong imik, saka siya bumulong na sadya ko namang narinig. “Baka si Dashen nga.”
Namutawi ang mahabang katahimikan nang mapagpasyahan kong humigop ng kape. Ganoon din ang ang ginawa niya habang nananatili ang tingin sa akin. I can’t help but feel this heart pounding. Na kahit hindi pa man umaabot sa dulo ng mga ugat ko ang mismong kape, halos mag-palpitate na ako sa kaniyang tingin.
I wonder how it feels to be loved by Trivo Trivino. Napakaswerte ni Ada dahil siya lang ang kaisa-isahang babae na nakasaksi nito. Sa paanong paraan ko kaya mabibihag ang puso niya? Paano ko masusungkit ang atensyon niya? I’ve been hiding this feeling for years. Sa sobrang galing ko magtago, isang tao pa lang ang nakakaalam.
Maybe I’m too coward to confess before. Ngunit ngayon? Sisiguraduhin kong hindi na.
“Saan ka nag-aaral?” he asked after sipping his coffee silently.
I smiled. “Kung saan ka nag-aaral.”
May bahid ng gulat ang kaniyang ekspresyon nang marinig ang sagot ko. Tila ikinagulat dahil kahit yata siya ay hindi inaasahang susunod ako sa yapak niya.
“Hindi ako naniniwala.”
Ngumisi ako. Kinuha ko sa bulsa ang lace at ID saka ito pinakita sa kaniya. Tinitigan niya iyon nang medyo matagal at parang bata na hindi talaga makapaniwala.
“Iyan ang pruweba. Unang taon ko sa College of Communication at kumuha ng kursong Com Res.”
“Pero bakit dito?”
“Ikaw, mayaman ka rin ‘di ba? ‘Yan din ang tanong ko sa’yo.”
He smiled. Halatang pilit.
Pauna na akong pinaalalahanan ng mga kakilala niya na hindi na siya ang dating Trivo na makakasalamuha ko. Eh ano itong nasa harap ko? Bakit parang… parang okay naman?
We’ve been schoolmate for years. Kung may nagbago nga sa kaniya, maliban sa pisikal ay ang lalim ng kaniyang ekspresyon. Kahit sa mata lang niya ako titingin, may nababanaag akong sakit.
Maybe he’s good at pretending. But liking him for so long has given me reasons to memorize his every inch. Kahit anong aspeto pa ‘yan.
Naalala ko tuloy ang huli naming pagkikita noon sa mismong kasal ni Ada. Natatandaan ko pa na nag-away talaga kami noong araw na iyon dahil sa kadramahan niya. Oo, naroon ang kaba dahil baka gumawa siya ng eskandalo at itigil ang kasal. Katagalan ay mukha namang natanggap niya. Sadyang nalasing lang kaya kahit na sino’y hindi siya magawang kausapin nang maayos.
“I have a lot of connections here.”
Kumunot ang noo ko. “Anong connections?”
“Kakilala. Kaibigan. Ikaw, anong dahilan mo at dito ka rin nag-aral.”
Napalunok ako. Ano nga bang sasabihin ko? Na dahil sinundan ko siya at handang magpakatanga? Hindi na bago sa akin ang Manila ngunit sa unang araw ko rito, ramdam ko ang hirap sa pag-a-adjust. This city is way too different in Isla Capgahan. Ibang iba ang atmosphere, nakaka-home sick.
“Dito lang kasi ako nakapasa,” pagsisinungaling ko. Napatango-tango naman siya.
“You can go to private universities and pay high tuitions. Your family would afford it.”
I shrugged. “Pero mas gusto ko kung ano ang pinasok ko. Kuntento na ako. Bakit parang ayaw mo yata ako mag-aral sa school na pinapasukan mo? Ayaw mo n’un? Schoolmates tayo.”
“Magagaling ang profs, oo. But in terms of facilities, I won’t recommend.”
“Ayos lang. Sanay na ako.”
“Sure?”
Tumawa ako. “Anong akala mo sa akin, hindi tao?”
“Inumin mo na nga ‘yan.”
Natatawa akong sumimsim ng kape dala ang nerbyos at umaalburutong kaba. Dahil ang totoo, sa oras na buksan niya ang box at tingnan ang nakasulat sa icing ng cake, iyon na ang pagkakataon na malaman niya kung ano nga ba ang tingin ko sa kaniya sa mga taong nagdaan.
“Sana hindi ka na nagdala ng cake. Napagastos ka pa.”
Nagkibit-balikat ako habang nilalaro ang daliri sa hita. May kung ano sa akin na parang gusto na lang umatras. Pero wala eh. Naibigay ko na. Alangan namang kunin ko at palitan?
“Ayos lang. Wag mo na alalahanin ang gastos.”
“Saan gawi ang dorm mo?”
“Diyan lang, sa Anonas.” At sa totoo lang, may kalayuan iyon dito kahit sakop pa rin naman ng Santa Mesa ang condominium niya.
Pagkababa niya ng tasa, hinila niya ang box ng cake at ni-untie ang ribon na nakatali rito. Sh-it. Gusto ko na mag-CR sa sobrang kaba! Ano kaya ang magiging reaksyon niya? Paano kung hindi na gaganda ang pakikitungo niya sa akin? I mean, kung hindi pa kasi ako aamin ngayon, kailan? Papanoorin ko na lang ba siyang magmahal ng iba nang hindi ko nagagawang umamin?
It takes a lot of sleepless nights to help me decide this. Ayaw ko na magsayang ng panahon. Tama na ang ilang taong pagkukubli. Kahit hindi pa tamang oras, this is the best choice.
Pagka-alis niya ng box, doon ko na napagdesisyunang yumuko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pinakatitigan ang mga daliring nilalaro ko pa rin sa ibabaw ng hita. This is now or never. Malalaman na niya.
“What’s this?”
Sunod-sunod akong lumunok. Ang kaninang friendly niyang boses ay bigla na lang nabahiran ng pagkadismaya. Parang ikinagalit niya kung ano ang nabasa. Hindi matanggap kahit na hindi ko naman hinihingi ang permiso niya.
“What the f-uck. Is this true?”
Marahan akong tumango habang nakayuko. Pumikit ako nang mariin dahil mas malala pa pala ito sa inaasahan ko. Galit na galit ang boses niya.
“Kailan pa, Carrie? Kailan mo pa ako gusto?”
“Noong bata pa tayo, Trivo.”
“What?”
Inangat ko sa kaniya ang tingin. His eyes are now full of wrath. Nakapatong sa lamesa ang mga kamay niya at halatang nagpipigil pa ng galit.
“Tell me this isn’t true, Carrie. For f-uck’s sake, kaibigan mo si Ada—”
“Eh ano kung kaibigan ko? May batas bang nagsasabi na bawal magkagusto sa lalaking may gusto sa kaibigan ko?”
“You’re out of your mind…”
“Ikaw ang wala sa sarili, Trivo. Kasal na ang tao pero siya pa rin ang iniisip mo?”
“Ano bang pakialam mo?”
“May pakialam ako dahil mahal kita—”
“Putang ina!”
Hinawi niya nang pagkalakas-lakas ang cake kaya nahulog iyon nang marahas sa sahig. Ilan sa icing ay tumilansik sa akin. Tumayo siya nang nagpupuyos ang ekspresyon sa matinding galit.
“Anong mali, Trivo? Mali bang magkagusto sa’yo?”
“Tinuring kitang kaibigan—”
“Eh si Ada? Hindi mo siya tinuring na kaibigan?”
“Hindi dahil una pa lang, alam kong mahal ko na siya.”
“So once na tinuring mong kaibigan, dapat hindi na magkagusto sa’yo? Anong klaseng mindset ‘yan Trivo?”
Hindi na siya nagsalita. Sa halip ay iniwan niya akong mag-isa rito sa hapag at padabog na lumabas sa condo. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Unti-unting nanghina habang minamasdan ang lasog-lasog na cake sa sahig.
See? Umamin lang ako pero ito ang kinalabasan. Gaano ba kahirap iyon para tanggapin niya? Pwede naman niya akong pakiusapan sa maayos na paraan. Bakit kailangan maging bayolente? Bakit kailangan sigawan?
“Ayos lang ba?”
Mariin akong pumikit upang pigilin sa pagpatak ang luha. Namalayan ko na lang ang sarili kong naiiyak nang makabalik na sa ulirat.
Mula sa pagkakayuko upang isuot sa akin ang sandals ko, tumayo siya at sa harap ko mismo inayos ang lukot sa kaniyang kwelyo. Tumango-tango ako upang sagutin ang kaniyang tanong.
“Ah oo, ayos lang.”
“Sa loob na sila Dad at Kuya. Handa ka na ba?”
Kailan pa ako hindi naging handa Trivo? Noon pa mang nasa Santa Mesa tayo, kahit na halos araw-araw kong pinagmukhang tanga ang sarili ko, tiniis ko lahat para lang mapalapit sa’yo. Kaya kung ito lang ang paraan para naman makita mo ang halaga ko, bakit hindi?
Mapait akong ngumiti at kumapit sa braso niya. Saka ako tumingala upang abutin ang makahulugan niyang tingin sa akin.
“Oo, handa na ako.”